Thirty Three

17.4K 356 25
                                    

"Mom, dad! Alis na po ako" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. Nakita ko naman si mommy na nakaupo sa couch

Umupo ako sa tabi niya saka siya hinalikan sa pisngi.

"You take care baby. Goodluck sa school" Mom said before giving me a hug.

"Yes mom. I'll come home if I had free times on weekends"

"Good. Go na, your dad is waiting for you at the garage" Magtatanong pa sana ako kung bakit andun si daddy but I just shrug and walk my way out.

I saw him leaning at my car's hood and when he saw me, he spread his arms asking for a hug.

Nakangiti naman akong lumapit sa kanya, at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Iiwan na naman ako ng baby ko" Dad said while still hugging me. Naglalambing na naman siya.

"Daddy, hindi kita iiwan. Uuwi din naman ako dito palagi"

"Kahit na. Iba pa rin yung pinupuntahan kita sa kwarto mo bago ka matulog"

Napangiti nalang ako sa tono ng boses ni daddy. He used to do that kasi, yung every night pupunta muna siya sa room ko para mag-goodnight.

"I'll call you nalang mamaya bago ako matulog dad" I said as I plant a kiss on his cheeks

"Okay princess. Remember, when you need anything tawagan mo lang si daddy"

"Kahit extra allowance?"

"You know, kahit hindi ka humingi, may sobra lagi ang account mo" he wink at natawa nalang ako.

It's our little secret. Hindi alam ni mommy dahil pagagalitan niya kami parehas. Masyado daw akong magastos. Hindi naman eh, kapag bibili lang ako ng gift for Jho, dun lang ako gumagastos.

"Bibisita kayo ni Jhoana dito kapag may time ha?" Bilin niya pa bago ako pagbuksan ng pinto

"Oo naman po" I smiled at him. Hinagis ko yung bag ko sa backseat saka nakangiting humarap kay daddy "I'll miss you dad"

He then pulled me for another tight hug. I let my chin rest on his shoulder.

"Remember Beatriz, kahit gaano ka pa kalaki, you will always be my baby girl" He kissed my cheeks and rub my back "Wag mong paiiyakin si bunso ha. Baby kita, pero baby ko rin yun"

I chuckled and move a little para matignan siya "Mas love mo na ata siya kaysa sakin eh" I pout but he grinned

"Mas love mo din naman si Jho kaysa sakin eh"

Natawa kaming parehas. Ang clingy ng daddy ko ngayon, ayaw talaga ako paalisin.

"That's not true daddy ha. I love you both, no need to choose kung sinong mas love ko kasi pantay lang kayo lahat"

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. Napa-pout naman ako. Hirap hirap magsuklay ng buhok eh.

"Go na baby, you'll be late na for training. Drive safely okay? Daddy loves you" He kissed my forehead and I hug him once more.

"Love you too dad. I'll miss you" I kissed him on his cheeks and hop in my car na.

I start the engine and waved daddy goodbye. He waved back, and nag-drive na ko paalis.

Mamimiss ko sila. Si daddy, mommy, kuya, and syempre si george. Ang baby george ko na laging nangungulit pag nagbabasa ako ng libro. Hays..

Kinuha ko ang phone ko ng marinig ko ang pagtunog non. Sinilip ko kung sino ang tumatawag at sinagot ko agad ng makita na si Jho yun. Naka-earphones naman ako.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now