Forty

16.2K 336 57
                                    

BEATRIZ

"Good morning Jujubear"

Pinanliitan ako ng mata ni Jia pagkaupo niya sa kama.

"Anong kailangan mo?" she asked

"Nothing"

"Hindi ako naniniwala"

"Wala nga! Masama na ba bumati ngayon?" I said grinning, pero tinulak niya lang yung mukha ko. "What do you want for breakfast?"

Tumayo siya at kunot-noong humarap sakin.

"Ang creepy mo, promise. Tigilan mo ko" Tapos tinalikuran na niya ko at pumasok ng banyo.

Natawa ako pagkasara niya ng pinto. Ang aga-aga ang sungit eh.

Inayos ko nalang yung kama niya. Saktong katatapos ko lang itupi yung kumot niya ng lumabas siya ng CR. I faced her, smiling.

"Ano nga kasing kailangan mo?!"  Lumapit siya sakin at tinaasan ako ng kilay. "Wag mong sabihing, wala lang. Dahil hindi ako maniniwala!"

"Grabe ka naman, Ju"

"Pwede ba Beatriz? Wag na tayo maglokohan. Masyado kang mabait sakin ngayon, anong kailangan mo?" She crossed her arms at lumapit naman ako para maakbayan ko siya.

"Kain muna tayo. What do you want to eat?"

She rolled her eyes at inalis yung pagkaka-akbay ko sa kanya.

"Teka nasan pala si Jho?" Tumingin siya sa kama ni Jho. O sa kama ko? ewan! Magkatabi kasi yung kama namin ni Jho. Pero madalas isa lang ginagamit namin. It's either kama niya, o kama ko. Basta magkatabi kami.

"Maaga class niya"

"Eh ikaw?"

"Mamaya pa"

Lumabas siya ng kwarto at nakasunod lang ako sa kanya. Dumiretso siya sa kusina.

"Good morning, Ju. Ikaw na ba ang bagong girlfriend ni Bea ngayon?" Tanong ni Gizelle sabay tawa

"Kadiri, please"  she rolled her eyes bago umupo sa tabi ni Gizelle. "Sino nagluto?"

"Girlfriend mo" Sagot naman ni Kim "Para sa'yo daw yan kaya bawal kami kumuha hanggat di ka pa nagigising. Haba ng hair mo, Ju"

"Hindi naman sa tumututol kami pero alam na ba to ni Miguel at Jho?"

"Oo nga mga besh. Wag sana kayong magkasakitan"

Nag-apir pa sila Gizelle at Kim bago magtawanan. Tinignan naman ako ng masama ni Jia.

"Whoa. Chill there"

"Ikaw nagluto nito?" she asked and I nod "Bakit?"

"Wala lang. Kain ka na"

I push the plates infront of her and she just shook her head.

"So Bea, ano bang nagustuhan mo kay Jia?" Pang-aasar na naman ni Gizelle. Kumagat muna ako sa tinapay bago sumagot

"Hmm.. I don't really know"

"Wow true love" -Kim

"Paano na si Jho?" -Gi

"At si Miguel?" -Kim

"Pano niyo ipapaliwanag sa kanila?" -Gi

"Sigurado ma--"  Kim was cut off by Jia. Padabog niyang nilapag yung kutsara sa lamesa at tinignan ako ng masama.

"Hindi ba kayo nandidiri sa pinagsasabi niyo?" Tinignan niya saglit yung dalawa. Pag balik niya ng tingin sakin, dinuro niya na ko ng tinidor habang nakataas pa yung isang paa niya sa upuan.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now