Forty Eight

13.7K 333 67
                                    

JHO

"Ate, kakain na"

Nanatili akong nakatalukbong ng kumot at nagpanggap na tulog.

"Alam kong hindi ka tulog, pero sige kung ayaw mo bumaba dadlhan nalang kita dito mamaya"

Hindi ako sumagot hanggang sa narinig ko na ang pagsara ng pinto.

Nung gabing pumunta ako kila Bea, doon na rin ako nakatulog kakaiyak. Kinaumagahan ay napagdesisyunan kong umuwi muna ng batangas. Ni hindi na ko dumaan sa dorm, basta dumiretso na ko dito kila mama.

Nagulat pa nga sila at tinatanong kung bakit biglaan. Hindi ako sumagot at dumiretso lang sa kwarto ko.

Isang linggo na ang nakakalipas. Isang linggo na kong nakakatulog dahil sa pag-iyak. Isang linggo na kong nagigising na mugto ang mata. At isang linggo na rin akong tulala. Ni hindi ako lumalabas ng kwarto. Dinadalhan lang ako ni Jaja lagi ng pagkain. Kahit madalas ay yung tanghalian lang naman kinakain ko, hindi ko pa nga nauubos.

Wala akong gana kumain, kahit magsalita. Simula ng iwan niya ko nawalan na ko ng gana sa lahat ng bagay. Acads, training, pati mga kaibigan ko hindi ko kinakausap. Kahit sa team hindi ako nagpaparamdam.

Wala akong sinabing kahit ano kila mama pero alam kong may alam sila kung ano bang nangyayari. Hello? Bea de Leon yung umalis. Pumunta ng US! Syempre kakalat yun, kaya malabong hindi malaman nila jaja at mama.

Araw-araw ko siyang tinatawagan, pero out of coverage ang phone niya. Kahit sa social medias nag-deactivate siya ng accounts. Sinubukan kong buksan dahil alam ko ang mga password pero pinalitan niya. Ginawa ko lahat ng maisip ko para magkaron ng kahit konting impormasyon tungkol sa kanya pero wala. Lahat malinis. Planado. Ayaw niyang magpahanap.

Niyakap ko ang kaisa-isang bagay na iniwan niya sakin. Si JB. Binigay ko to sa kanya pero iiwan niya rin naman pala sa akin. Ang galing niya. Akala niya ba makakatulong to? Hindi! Lalo niya lang akong sinasaktan!

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong umiyak, pero hindi naman nakatulong. Umiiyak na naman ako. Ayoko na. Nakakasawa. Pagod na kong umiyak.

"Bwisit ka. Bwisit ka talaga" kinakausap ko na naman ang picture niyang nasa cellphone ko. Wala naman akong choice eh. Wala naman siya dito para kausapin ko.

"Bakit ka ganon? Bakit mo ko iniwan?" Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko "Maiintindihan ko naman kung para sa daddy mo eh. Pero bakit kailangan mong umalis ng walang paalam?"

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at humagulgol ng iyak. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon. Sinabi sakin ng katulong nila na ooperahan si tito Elmer kaya sila umalis. Pero bakit kailangan niya ilihim? Ano bang tingin niya na gagawin ko? Pipigilan ko siya at papapiliin kung ako o ang pamilya niya?! Fuck! Hindi naman ako ganon ka-selfish! Maiintindihan ko naman siya... Kung sana sinabi niya lang, handa naman akong maghintay. Hindi yung ganito.. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ko...

"Ang gago mo talaga Beatriz" kinuha ko ang cellphone ko at pinalitan ang mukha niya na nasa wallpaper ko. Buburahin ko na sana ang lahat ng picture namin sa phone ko, pero ng pipindutin ko na ang 'delete' bigla na naman akong naiyak "Bwisit ka" Tinago ko ang cellphone ko at umiyak nalang habang yakap pa rin si JB.

Syempre hindi ko kayang burahin. Sa mga pictures ko na nga lang siya nakikita, buburahin ko pa ba?

"Miss na miss na kita damulag, nasan ka na ba?"

Kakaiyak ko, hindi ko namalayang nakatulog na naman pala ako. Nagising ako na may humahaplos ng buhok ko. Agad akong dumilat dahil kilala ko ang madalas na gumagawa non. Nag-angat ako ng tingin at nginitian niya ko.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now