Sixty

17.2K 378 108
                                    

JHO

Nagising ako dahil sa masarap na amoy mula sa kusina. I open my eyes and yawn.

"Ang bango naman ng niluluto ni Jia" sabi ko habang nag-uunat ng braso.

Bumangon na ko at nag-ayos ng sarili. Lumabas ako at naaubutan ko si Jia sa sala habang kaharap ang laptop niya.

"Huy bes" tawag ko at nag-angat naman siya ng tingin

"Oh bes? Good morning" binalik niya ang tingin sa laptop niya bago muling magsalita "Punta ka sa kusina. Luto na ata yon. Kain ka na"

Kumunot ang noo ko. Mukhang busy-ng busy siya at stress na stress sa ginagawa niya. Paano pa siya nakapagluto? Nagkibit balikat nalang ako at pumunta na sa kusina.

Napatulala ako ng makita ang nakatalikod na matangkad na babae na kumakanta-kanta pa habang nagluluto.

"Beatriz?" lumingon siya at ngumiti

"Good morning, love"nakangiting sabi niya bago ilagay ang mga niluto niya sa lamesa "Gutom ka na ba?"

Napakurap ako ng ilang beses. Anong ginagawa niya dito? Gising na ba talaga ako? Baka naman nananaginip lang ako.

"What do you want? Coffee? Milk? Juice?" Tanong niya bago lumapit sakin "Hey? Inaantok ka pa ba? Bakit di ka nagsasalita?"

Hinawakan niya ang balikat ko at doon ko nakumpirmang hindi ito panaginip. Kumurap ako bago umiling.

"Nagulat lang ako. Kanina ka pa dito?" Nilampasan ko siya at dumiretso sa lagayan ng mga cup para kumuha ng dalawa.

"Hmm mga 6?" napa-iling nalang ako. What's with her, Ged, and going early here? Breakfast place ba tong appartment namin ni Jia? "Ako na diyan, love. Maupo ka na don"

She tried to get the cup but I quickly slap her hand "Ikaw ang maupo don"

"But--"

"Maupo!" I glared at her.

"Opo. Mauupo na nga. Eto na oh" inirapan ko lang siya bago ako bumalik sa ginagawa ko.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape, nilapag ko sa harap niya yung isa at sa akin naman yung isa. Tapos kumuha ako ng baso at naglagay ng fresh milk doon.

"Sa'yo din yan?" tanong ni Bea

"Kay Jia" simpleng sagot ko bago ako pumunta sa sala. "Huy, bes. Kain na muna tayo"

"Sige bes, sunod na ko. Save ko lang to"

"Dalian mo na ha" nag-thumbs up lang siya kaya naglakad na ko pabalik sa kusina.

Natawa ako pagkakita ko kay Bea. Paano ba naman, nakapikit pa habang umiinom ng kape. Tapos para siyang baliw na inaamoy muna bago inumin. Umupo ako sa tabi niya kaya napadilat siya.

"Ngayon ka lang ba nakainom ng kape?" naiiling na tanong ko.

"After three years? Yes" Napatingin ako dahil sa sagot niya "I always remember you whenever I try to drink coffee. At isa pa, even the best coffee shop in the world doesn't make coffee as good as you do"

"Kwento mo" was all I could say. Narinig ko naman ang tawa niya.

"No. Seriously. Ngayon nalang ulit ako nagkape. I don't like coffee, unless gawa mo"

Hindi nalang ako sumagot. Mabuti nalang din at dumating na si Jia. Kumain muna kami. Pero maya't maya napapansin kong panay ang tingin ni Bea sa cellphone niya. Wala naman talaga akong pake dapat, kaso yung bibig ko walang preno.

"Bawal ang cellphone sa harap ng pagkain. Hindi ba makapag-antay yan?" Sabi ko habang ginagalaw ang pagkain sa plato ko.

"Sorry" rinig kong sabi niya. Napalingon naman ako kay Jia ng sipain niya ako sa paa. Pinanlakihan niya ko ng mata kaya ginaya ko din siya. Problema niya?

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now