Thirty Four

16.1K 351 21
                                    

J H O A N A

"Beatriz!"

Dali-dali akong pumunta kay Bea ng makita ko siyang madapa.

Lumuhod ako sa harap niya at nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak. Ano bang nangyayari? Kanina lang may kausap siya sa phone, tapos bigla nalang siyang tumakbo.

Tatayo na dapat ulit siya pero hinawakan ko ang kamay niya at pinaharap siya sakin.

"B-babe.. Bakit?" I cup her face, wiping her tears "Bakit ka umiiyak?"

Kumapit siya sa balikat ko. Tila ba hinang-hina siya at hindi na niya kayang tumayo mag-isa.

"Beatriz naman eh. Tinatakot mo ko. A-ano bang nangyayari?"

Bigla niya akong niyakap kaya napa-upo ako sa sahig habang nakasiksik siya sa leeg ko.

Hinagod ko ang likod niya at mas lalong lumakas ang mga hikbi niya.

Damn Bea. Bakit ka ba umiiyak?!

"Sshh. It's okay babe. I'm here"

Umiiyak pa rin siya ng mapansin kong hindi pa naka-sintas yung isa niyang sapatos. Kaya naman pala nadapa eh.

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha niya. Nginitian ko siya bago ko abutin ang isang paa niya para isintas ang sapatos niya.

Ng matapos ako, hinarap ko ulit siya na ngayon ay umiiyak pa rin.

Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan siyang maiigi. Alam kong nakatingin samin ang buong team at naguguluhan na rin sa nangyayari.

"Beatriz what's wrong? Bakit ka umi--"

"Si d-daddy, Jho. They rushed him to the hospital"

My jaw dropped and my body stopped from moving.

Si tito? Bakit?

"Heart attack" bulong ni Bea habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Napalunok ako ng ilang beses. Hindi nags-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

Si tito? Inatake? Pero malakas siya. Walang bakas ng kahit anong sakit.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Hindi ko pwedeng sabayan ang panghihina ni Bea. Kailangan niya ko, ako dapat ang maging lakas niya.

"Sasamahan kita. Puntahan na natin si tito"

Itinayo ko siya at kinuha ang mga nalaglag niyang gamit.

"Bea, Jho. Anong problema?"

Sabay kaming lumingon ni Bea at nakita si coach Parley na papalapit sa amin.

Pero agad ring bumalik ang tingin ko kay Bea ng hawakan niya ang kamay ko.

"Jho, you stay here. Ako nalang ang pupunta kay daddy"

"But Bea--"

"Love it's okay. Pwede kang sumunod after the training" She squeezed my hand and force a smile "The team needs you"

"Bea, what's happening?" Tanong ni coach ng makalapit siya samin

"Coach, sorry but I need to go" Humarap si Bea kay coach at parang paiyak na naman.

Humawak ako sa braso ni Bea at marahang tumango. Alam kong hindi niya na kayang ipaliwanag pa kay coach ang nangyayari. Isa pa, kailangan niya ng umalis agad.

"Ako ng bahala Beatriz. Kailangan ka ni tita Det. Puntahan mo na siya"

Tinignan pa niya ko sandali bago tumango at tumakbo na paalis.

Complicated HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon