Thirty One

21.3K 404 64
                                    


"JIAAAA!"

Patakbo akong lumabas ng kwarto pero napahinto din ako ng makasalubong ko si Maddie.

"Woah, chill Bey. Problema?"

"Where's Jia?"

"Nasa kwarto nila, bakit ano ba-- hoy!" Di ko na pinatapos si Maddie at agad na kong pumunta sa kwarto nila.

Padabog kong binuksan ang pinto at nakita ko si Jia na mukhang nagulat pa

"Bea! Masira naman yung pinto" Sabi niya

"Where is it?" Taas kilay kong tanong

"Ang ano?"

"Ugh. Si JB! Give it to me"

"Wala sakin!" Lumapit ako sa kanya at agad naman niyang tinago sa likod niya yung hinahanap ko. "Teka lang! Pahiram lang naman!"

"No! Pagtitripan mo na naman eh! Akin na!"

Pilit kong inaabot yung teddy bear pero tinatago niya sa likod niya. Umakyat siya sa kama kaya sinundan ko siya.

"Ang damot mo Bea!"

"Papahiram ko sa'yo kahit ano sa gamit ko, but not this one. Akin na yan!"

Tatakas pa sana siya pero dinaganan ko siya. Wala na tuloy siyang nagawa kaya nakuha ko na ang baby ko!

"Ang bigat mo! Damulag ka!"

"That's your punishment for kidnapping my baby!"

"Wow naman? Kidnapping agad! Stuffed toy lang yan!"

"No! He's my baby! JB is our baby!"

"Oo! baby na kung baby! Lumayas ka na! Ang bigat mo!"

Tinawanan ko siya kasi nakakatawa yung mukha niya. Hahaha buti nga sa'yo Morado! You deserve thi---

"Sweet niyo naman"

Napatayo ako ng marinig ko si Jho. Lumapit ako sa kanya at nagtago sa likod niya.

"She kidnapped our baby!" sumbong ko sabay backhug kay Jho habang hawak ko pa din si JB.

"Kailangan magyayakapan?"

"Si Bea kasi! Sabi ko nga wag niya ko yakapin pero mapilit"

what?! Ang kapal talaga neto ni Juju!

Ibabato ko sana sakanya yung hawak ko ng marealize kong si JB nga pala to. Ang sama tuloy ng tingin sakin ni Jho.

"Kita mo Jho, ibabato pa yung anak niyo? Tsk tsk. Grabe ka Bea! Akin nalang yan kung ayaw mo!"

"Hindi ko ibabato! Ang epal mo Jia. Tara na nga love, iwan na natin yan" I held Jhoana's hand at hinila na siya papunta sa room namin

"Bea" I look at Jho, hawak niya yung phone ko "Bakit nagpalit ka ng password?"

Nakataas na naman yung kilay niya. Ang cute talaga ni Jho 'pag nagtataray.

"Alam ni Jia yung dati kaya pinalitan ko"

Hindi ko rin alam paano niya nalaman basta kanina, nag-CR lang ako tapos pagbalik ko mukha na ni Jia yung lockscreen ko. Yung homescreen? Mukha ni ate Ella.

Hays. Kahit wala siya dito, napagt-tripan niya pa rin ako sa pamamagitan ni Juju.

"Bea, kinakausap kita" I was back to reality ng magsalita si Jho.

"Ha? What is it again love?" I saw her rolled her eyes kaya natawa ako. Tampo na naman.

I sat beside her and hug her sideways.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now