Twenty Six

24.9K 418 67
                                    

B E A






"Water break!"

Hindi na ko umalis sa pwesto ko at nahiga na agad pagkarinig ko ng sigaw ni coach.

May training kami ngayon at malapit na kong mamatay. Ugh my head is pounding hard and I feel like I'm gonna faint any moment from now.

"Beh" I look up and saw my energizer. Naka-dapa kasi ako. Umayos ako ng higa at tumabi naman sakin si Jho sabay abot ng tubig.

Haaay ang ganda talaga ng Jhoana ko. Nakakalimutan kong masama pakiramdam ko pag nginingitian niya ko eh.

Uminom ako at inabutan niya naman ako ng towel. Nuks. Alagang Maraguinot!

"Thanks love" I smiled at her at humiga naman siya sa tyan ko. Pumikit nalang ako at tinakip ang braso ko sa mata ko.

Fck. Ang sakit na talaga ng ulo ko. Naulanan kasi ako kagabi eh. Ang sakitin ko talaga, kainis.

"Ok ka lang?"

Tumango lang ako kay Jho habang nakatakip pa rin yung kamay ko. Naramdaman ko namang umalis siya sa pagkakahiga sa tyan ko. Hinawakan niya yung kamay ko at inalis sa pagkakatakip sa mata ko.

"Ok ka lang?" Ulit niya sa tanong niya

"Opo" I smiled pero mukhang hindi siya naniwala kasi kinapa niya yung noo at leeg ko

"Ang init mo"

Hinawakan ko yung kamay niya at ngumiti

"I know love. Hot talaga ko" I laugh at inirapan niya naman ako

"Seryoso ako. May sakit ka"

"Wala po. Napagod lang"

"Sinong niloko mo?"

"Wala. At kung meron man, hindi ikaw" I cup her face and pulled her closer, kaya ang itsura niya nakayuko siya at nakatungkod yung dalawang kamay niya sa gilid ng mukha ko "Kasi hinding-hindi kita lolokohin"

I smiled at inirapan niya muna ako bago makipagtitigan sakin

"Talaga ba?"

"Of course! Hawak ko na oh, papakawalan ko pa ba?"

I pinch her nose at inirapan niya na naman ako. Ang cute cute talaga ng baby ko, nakakagigil.

I was about to pull her closer para mahalikan ko siya sa noo ng biglang may tumamang bottled water sa hita ko.

Umayos ng upo si Jho at napa-angat naman ako ng konti para hanapin kung sino yung bumato.

"Get a room!" sigaw ni Jia at inirapan ko nalang siya.

Kinuha ko yung bote at binato pabalik sa kanya

"Get a life!"

Tinawanan niya ko at di ko na siya pinansin. Panira talaga ng moment yung Juju na yun. Pansin niyo? Tuwing may moment kami ni Jho bigla siyang sumisingit? Kainis eh.

Maya-maya pa bumalik na rin kami sa training at kahit hilong-hilo na ko, pinilit kong matapos. Lagi kong nahuhuling nakatingin sakin si Jho pero nginingitian ko nalang siya at nagm-mouth ng 'I love you' para hindi na siya mag-alala.

Nag-shower ako ng mabilis para mauna akong matapos kay Jho.

Habang nasa loob pa si Jho, pasimple akong lumapit sa bag niya at naglagay ng chocolate doon. Ng mailagay ko na, mabilis akong lumabas ng shower room at nag-antay nalang sa bleachers.

Sinalpak ko ang earphones at sumandal sa upuan habang nakapikit. Sobrang sakit na ng ulo ko, lalagnatin na ata ako. Sinara ko ang suot kong jacket hanggang sa leeg ko para mabawasan ang pagkaginaw ko. Iinom nalang ako ng gamot pagkarating namin sa dorm.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now