Forty Six

15.1K 353 58
                                    

JHO

"Sabay ka ba samin, jhow?"

Tumayo ako at lumapit kay Jia

"Syempre. Ano? Iiwan niyo talaga ko dito?"

"Di naman. Iniwan ka na nga ni Bea, iiwan ka pa namin?" Binatukan ko si Jia dahil sa sinabi niya

"Lul. Di ako iniwan. Busy lang yung tao"

"Charot lang. Pero kamusta na ba daddy niya?"

"Okay naman. Last week pa huling balik ko sa ospital eh. Lam mo na, buhay senior. Feeling busy"

"Kala mo talaga nag-aaral eh no?" Inirapan ko nalang si Jia sa pang-aasar niya.

Lumabas kami ng BEG at naabutan si Mich na mukhang inip na inip na.

"Tagal bes, gutom na me" bungad niya at naglakad na kami paalis.

"Jho, tawagan mo nga si Bea. Para hindi tayo naglalakad"

"Tibay. Di nga umattend ng training tapos papapuntahin ko pa para sunduin tayo" Binatukan ko ulit si Jia dahil sa mga idea niya. Lihim naman akong natawa dahil kanina ko pa siya binabatukan pero hindi siya umaangal.

"Malay mo lang naman"

Inirapan ko nalang siya at naglakad na kami papunta sa cafeteria.

"Si totoy oh" napatingin ako sa tinuturo ni Jia "MARCI!" Agad ko siyang hinampas ng tawagin niya si Marci "aray. Bakit ba?"

Tumingin si Marci at nagaalangan pang lumapit, pero kumaway din siya.

"Libre mo naman kami" sabi nito pagkalapit ni Marci. Gusto ko ng umalis, pahamak talaga to si Jia eh.

"Nakakahiya ka talaga, baka may klase pa yan" sabi ko

"Aah. Actually wala na kong class"

"Yun naman pala eh. Libre mo na kami!" Nakangiting sagot ni Jia.  Tss bwisit tong Marci na to. Hindi marunong makiramdam.

Hinatak na siya ni Jia kaya wala nas siyang nagawa. Nakasunod lang kami ni Mich sa kanila.

"Ok ka lang?"

"Huh? Oo naman"

"Wala parang ayaw mo kasama si Marci eh" nagkibit balikat pa siya.

"Hindi naman. Girls time kasi dapat. Kaso si Juju mukhang pagkain eh" pagdadahilan ko nalang at mabuti naniwala siya.

Pagdating namin sa cafeteria, umorder na agad si Jia. Nasa tabi ko si Marci at sa harap naman namin sila ni Mich. Ayoko nga sana, kaso baka magtaka sila kapag tumanggi pa ko, kaya hinayaan ko nalang.

"Kamusta" bulong sakin ni Marci habang nagaantay kami kay Jia at Mich. Sila kasi yung bumili ng pagkain.

"Ayos lang"

"Galit ka pa rin ba sakin?"

"Hindi ako galit sa'yo"

"Pero iniiwasan mo ko" tinignan ko siya saglit.

"Kasi yun ang dapat, Marci"

Magsasalita pa sana siya pero dumating na yung dalawa. Mabuti naman. Minsan may nagagawa din palang maganda yung pagsingit lagi ni Jia.

Tahimik lang ako habang kumakain. Nagkukwenthan sila at nakikingiti lang ako kapag tinatawag nila ko. Gusto ko nalang matapos to. Hindi ko gusto na magkasama kami ni Marci. Pakiramdam ko dinadagdagan ko lang ang kasalanan ko kay Bea.

"Picture, guys!" Sigaw ni Jia habang nakataas ang kamay niya na may hawak na phone. "Marci, dikit ka konti. Hindi ka kita"

Sumunod naman si Marci kaya nagkadikit yung braso namin. Gustuhin ko mang kumontra ay hindi nalang. Mapapatagal lang kami eh. Kaya ngumiti nalang ako sa picture.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now