Twenty Eight

23.6K 428 86
                                    

As soon as I hit the answer button, napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni Jho.

"NASAAN KA?!"

sht ang sakit sa tenga! Naka-earphones kaya ako.

"Hindi mo ba nabasa yung iniwan kong note?"

"Ako ang naunang magtanong Beatriz!"

Hay nako. Beastmode na naman ang girlfriend ko.

"Chill babe.. Kita tayo sa mall ha? Papunta na ko"

"Nakalimutan mo atang may sakit ka Bea?"  mahina pero nakakatakot yung pagkakasabi niya, o baka sa pandinig ko lang nakakatakot?

"Magaling na po ako love"

"Ewan ko sa'yo, bahala ka na nga sa buhay mo"

Magsasalita pa sana ako kaso wala na. Pinatay na niya yung tawag.

"ugh! Galit na naman" tinanggal ko ang earphones ko at nagfocus nalang sa pagdadrive

"Wala kasing forever"

I rolled my eyes ng magsalita yung katabi ko. Bitter talaga neto.

"Shut up Jorella" Bigla niya naman akong hinampas ng malakas sa braso "ugh masakit kaya!"

"Gumalang ka"

"Shut up PO, Jorella" natatawang sabi ko

"Ewan ko sa'yo Beatriz! Sana pagdating natin dun wala si Jho!" Sigaw niya sakin sabay subo ng pizza na kanina pa niya kinakain.

"Asa ka. Love na love kaya ako ni Jho" sumulyap ako sa kanya saglit at nakitang nakangisi siya

"Sigurado ka? Pano kung sa sobrang inis niya sa'yo umalis siya at sumama na kay-- sino nga yun?-- ahh! Marci! Ayun tama! sasama na siya kay Marci! Wahahaha! Iiwan ka na niya Be-- aray!"

Napakadaldal talaga neto, bakit ko nga ba ulit siya pinuntahan? tss

"Ingay. Babawiin ko yang kinakain mo"

"Ay nako Bey, walang wala sa'yo yung Marci na yun! Ikaw pa? Eh maganda ka na, gwapo ka pa? Tsk Iba ka talaga De Leon--waaah oo na! Oo na! Tatahimik na, akin na yang pizza ko!"

Binalik ko sa kanya yung pizza niya at hinimas-himas niya naman yun.

"Tahan na baby, nandito na si mommy" Bulong niya sa box ng pizza at natawa nalang ako. Ang baliw talaga ni ate Ella kahit kailan.

Kasama ko siya ngayon kasi tinawagan ko siya kanina nung nakatulog si Jho. Sinabi kong susunduin ko siya dahil miss na siya nung dalawa.

Naging OK na rin naman pakiramdam ko pagtapos kong makainom ng gamot, kaya nung natapos akong maligo, sinamantala ko na nasa banyo si Jho saka ako umalis ng dorm para sunduin si ate Ella.

Nag-iwan nalang ako ng note sa study table niya para hindi naman siya magalala masyado.

'Love, meet me at the mall. Isama mo si Jia. I have a surprise for you.. Please don't be mad, magaling naman na ako, hehe. Love you'

Ayan yung iniwan kong note pero wala, nagalit pa rin. Di bale, mamaya sigurado tanggal ang galit non.

"Pashalamat ka De Leon, hindi ka dumaan sha bakod ko kay Maraguinot!"

What the?! Kumakain, nagsasalita!

"Ate ells! You're so gross! Tumalsik pa ata sakin yung kinakain mo oh!"

"Grosh ka dyan! Ikaw ha! Pano mo niligawan shi Jho! Bakit shinagot ka agadfghkk!"

"Kadiri ka forevs" Tinakpan ko ng tissue yung bibig niya dahil kanina pa nagtatalsikan yung kinakain niya sa kotse ko! "Ate Ells, kung isang Bea De Leon ba naman manligaw sa'yo, mag-iisip ka pa ba--dfghhjkl"

Complicated HappinessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt