"Hindi mo naman kailangang gawin 'to," pagpupumilit ko. E totoo naman kasi 'yon.

"'Wag ka na kasing maarte hindi ka na nga kagandahan, ang arte mo pa! Bakit ganyan kayong mga babae, ano? Sabihin mo na nang matapos na 'to para makaalis na ako," prangkang sabi niya sa akin.

"Sobra ka na! Makaalis na nga, isa pa talaga!" tapos tatayo na sana ako kaso hinawakan niya ako sa pulso at hinigit para maupo uli. Kung makahusga 'to. Hay! Napakahambog!

"Bitiwan mo nga ako," utos ko sa kanya. Tapos binitiwan na niya ako kaya naman umupo na uli ako.

"Lalaki ang problema mo, ano?" biglang tanong niya. Nakatatamad nang makipagtalo kaya hihinahon na ako. Isa pa, nakaka-stress.

"Oo," simpleng sagot ko.

"Oh, kita mo na tama ako," sabi niya.

"Nahulaan mo lang na lalaki akala mo, alam agad ang lahat. Wala kang alam," sabi ko sa kanya. Muntik na naman tumaas ang boses ko.

"Mukha ba akong walang alam?" sabay ngiti nang malaki.

"Oo," panunukso ko at seryoso ang mukha.

"Hindi 'no!"

"Hindi nga?" this time natawa na ako pero ewan ko kung napansin niya kasi sa altar na naman siya nakatingin. Hindi nga siya sumagot.

"Pero napaniwala mo ako sa sinabi mo," sabi ko kinalaunan.

"Na ano?" tumingin uli siya sa akin.

"Na mas mabuting ikuwento ang problema sa walang kinalaman do'n para hindi bias. May point ka ro'n," pag-amin ko at napangiti naman siya.

"Oo, lalo na kung lalaki ang problema mo, alam ko ang likaw ng mga bituka namin," sabi niya na sigurado sa bawat salita.

"Ah..." 'yon lang ang nasabi ko sa kanya.

"So ano nga ba ang problema mo?"

"Hindi naman talaga ako ang may problema," intro ko sa kanya. Kumunot pa ang noo niya na tila ba naguguluhan sa sinasabi ko.

"Eh sino?"

"Ito oh," sabay turo sa puso ko.

"May sakit ka sa puso?" tanong niya. Ay, d'yos ko! Ano raw?

"May sakit ka sa utak?" tanong ko rin. Natawa kaming parehas sa mga sinabi namin. Ang weird naman! Kanina lang ay magkaaway kami tapos ngayon nakukuha na naming tumawa?

"Ano ba talagang meron?" hindi ako nakasagot dahil ewan ko ba kung slow ba siya o inaasar na naman niya ako.

"Niloko ka ba?" tanong niya.

"Noon," sagot ko. Para kasing nakahihiya talagang sabihin sa isang ito ang problema ko. Baka tawanan pa ako.

"Ah, niloko ka noon," sabi uli niya.

"Pinagpalit ka sa iba?"

"Oo noon," sagot ko naman sa kanya.

"Niloko ka at pinagpalit sa iba noon," summarize pa, Cee!

"Oo, noon," pag-confirm ko sa pag-ulit niya.

"Baka naman ex ka na pero mahal mo pa, tapos siya ay may karelasyon ng iba?" muntik na akong maglupasay sa altar nang sabihin niya 'yon.

"Aray naman!" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Tama?" tanong niya.

"Paano mo nalaman?"

"Marami naman kasing ganyan ang problema at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nila pinipilit ang sarili nila kung meron namang ibang tao na p'wede rin naman nilang mahalin at mamahalin din sila," sabi niya na may seryosong mukha.

"Hindi mo kasi naiintindihan. Mag-best friend na lang kami ngayon," sabi ko.

"Sa maniwala ka at sa hindi naiintindihan ko," na-experience na rin niya? Sa tipo niya parang hindi naman.

"Talaga?" hindi nga? Tunay ba?

"Oo, hindi man nangyari sa akin 'yan pero lahat naman siguro tayo ay dumaan na sa heart break," totoo 'yan. Dahil kung hindi, psh! Sinungaling! Kahit sa crush kasi puwede rin maramdaman 'yon.

"Na-heart broken ka na rin?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, alam kong hindi halata pero, oo noon ay dumaan na rin ako sa ganyan," ang hambog talaga!

"Ah, ayos ah. Teka, bakit mo naman sinasabi sa 'kin 'yan?" nagtataka lang din ako sa mga sinasabi niya.

"Baka sakaling ma-inspire kang itigil ang katangahan mong 'yan," whoa! Prangkahan na ito!

"Gano'n talaga siguro, may mga bagay talaga na hindi meant to be at hindi magiging meant to be kahit na kailan," sabi ko na para bang wala ng pag-asa pa na natitira.

"Hoy, kung may natutunan ako sa buhay e 'yon ay may mga bagay na hindi meant to be sa simula pero nagiging meant to be rin sa tamang panahon. Sabi nga nila may tamang panahon at tiyempo sa mga bagay-bagay," seryosong sabi niya. Galit na siya dahil do'n?

"Baka nga, biruin mong may sense ka palang kausap," nag-make face na naman siya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo," sabi niya. Well kung iisipin, totoo nga naman. Naunahan lang kasi ako ng negativity e.

"Ang hirap maging best friend na lang ang ex," sabi ko.

"Kalokohan 'yang best friend na 'yan pagkatapos magmahalan at magkasakitan. Eh 'di layuan mo, mahina ba ang utak mo o ayaw mo lang talagang gamitin?" Grabe! Sobrang prangka naman yata niya.

"Ano? Sobra ka na, ha!" nagpanting kasi ang tainga ko sa mga salita niya kaya napalakas na naman ang boses ko.

"Kaya nga may konsepto ng distansya at r-" naputol 'yong sinasabi niya may bumanggit ng pangalan ko.

"Joan?" isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig namin mula sa kung saan.

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang