“Price? Gising na,” sabi ko ulit. Inisip ko kung kakalabitin ko ba siya. O magsasalita nalang ako dito hanggang sa marinig niya ako.

                Syempre nakita ko namang walang mangyayari kung magsasalita lang ako ng magsasalita. Eh alarm clock nga ‘di niya narinig eh. Ako pa kaya?

                Linapitan ko siya at kinalabit siya sa braso. “Price?” ‘Di parin siya nagising.

                Ginalaw-galaw ko na ang braso niya ng mas malakas. “Price, gising na. Umaga na.”

                Ayun. Gumalaw din. “Gising na, Price. May pagkain dun. Kain na tayo.” Nagising na siya. ‘Di pa nga lang bumabangon. Bahala siya kung gusto niyang bumangon o hindi. Basta ginising ko siya.

                Lumabas na ako sa kwarto niya. Baka kasi kung ano na namang sabihin. Bumalik ako sa kusina para tapusin ang linuluto ko.

                Pagkatapos na pagkatapos kong magluto, lumabas si Price sa kwarto niya. Buti at nagising din. Aba, nakaligo na rin pala. Edi siya na ang mabilis kumilos! Pumunta siya sa kusina at tinignan ang mga pagkain sa mesa.

                “Aba, himala. Nagluto.” At ayan na nga. Nagsimula na ang pang-aasar.

                ‘Di ko nalang pinansin yung sinabi niya. “Good morning, Price.”

 

                Umupo lang siya sa hapag-kainan. Kahit kelan talaga walang manners ‘to. Naglagay ako ng mga plato at umupo na din sa tabi niya.

                “Sigurado ka bang nakakain ‘to?” sabi niya sabay inspect sa pagkain.

                ‘Di ko nalang pinansin. “Anong oras ka naman natulog kagabi? Kung makatulog ka, feeling mo naman na-coma ka,” sabi ko.

                “Mga ala-una na din umalis yung mga mokong. Napasarap ang kwentuhan eh. Bakit ikaw? Kung makatulog ka din naman sa tabi ko... Nag-enjoy ka no?” sabi niya sakin sabay ngiti na nang-aasar lang talaga.

                “Che. Kumain ka na nga.”

                Ayun. Kumain lang kami. Tahimik. Nakakapanibago. Ang tahimik. Napaka-kakaiba ng katahimikan sa pamamahay na ‘to.

                Maya-maya, sabay kaming natapos kumain. Nauna siyang tumayo at linagay yung plato niya sa kusina. Sumunod ako at kinuha din ang plato ko.

                Nakaka-ilang hakbang palang ako nang bigla akong natalisod. Nabitawan ko tuloy yung plato na hawak ko. Ayun. BASAG.

Accidentally MARRIEDWhere stories live. Discover now