Chapter 45 You are nothing

8 3 0
                                    

Vince POV

"Wala kang silbi!" Papasok na sana ako ng opisina ni architect ng madinig ko ang malakas na pag sigaw nito. Naghintay muna ako saglit at ng sa tingin ko ay wala na itong kausap ay saka ako kumilos para buksan ang pinto.

"Samantha?" Nakauko ito at parang hindi man lang ako napansin at ng mag angat ito ng mukha ay kita ko ang pagkagulat nito. Kapansin pansin ang pamumula ng mata nito at mukhang galing sa pag iyak. Magsasalita sana ako ng bigla niya akong niyakap. Umiiyak ito. Dahil sa nangyari ay hindi na natuloy ang plano kong pag kausap sa architect. She needs someone to talk too kahit nagdadalawang isip ako ay pinaunlakan ko paring samahan ito.

"Salamat sa pagsama sakin." Malungkot nitong sabi.

"I don't want to be nosy but what really happened." Tanong ko dito. Saglit itong tumingin sakin.

"May hindi kasi ako nagawa sa inutos ni architect kaya napagalitan ako. Pero ok na ako ngayon kasalanan ko naman kasi."

Nanatili pa kami ng ilang minuto sa roof top ng mag aya na ito.

"Dinner tayo sagot ko. Wag kang tatanggi Vince minsan nalang ulit tayo magkasama. Same place?." Gusto ko mang tumanggi kaso lang nakonsensya naman ako. It's been months na hindi na ako nakakasama sa grupo.

"Ang sarap talaga dito namiss ko ito. Ikaw kasi eh hindi kana sumasama samin." Nagtatampong sabi nito. "You are always with her kasi."

"Ha?" Napanguso ito. I am not really paying attention. My mind was occupied at abala ang mata ko sa pagtanaw sa mga studyanteng nagdaraan.

"Hmmp hindi ka naman nakikinig."

"Sorry." Sabi ko nalang

"Sino ba kasing inaabangan mo at kanina ka pa palinga linga dyan? Si Rizze ba?" Hindi ako sumagot which I know she got it.

"I see." Bigla itong tumayo. "Tara na." Kahit hindi pa kami tapos kumain ay nag aya na itong umalis. I know sumama ang loob niya but I can't help myself. Feeling ko kasi nagtataksil ako kay Grizelda. Hindi nito gusto si Samantha, ramdam ko yun at oras na makita kami nito pihadong word war three na naman pero kung may halik ulit eh ok lang.

"Salamat sa pagsama Vince." Hindi kaagad ako nakaiwas ng bigla akong halikan ni Samantha sa pisngi.

"Wag kayong maglandian dito." Nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig ang isang pamilyar na boses at ng hinarap ko ito hindi kaagad ako nakapagsalita.

" Hi Rizze." Samantha greeted her pero masamang tingin ang ipinukol ni Gizelda kay Samantha.

"Ahmm Vince thanks for today." Hinaplos pa nito ang braso ko, tinangka kong umiwas pero huli na para gawin yun. Hindi narin ako nakapagreact sa takot sa magiging reaksyon ni Grizelda. Hindi na hinintay pang makaalis ni Grizelda si Samantha at mabilis itong nag lakad paalis.

"Grizelda wait." Habol na tawag ko dito. Mabilis ang mga hakbang nito pero kumpara sakin ay mabilis parin ako kaya madali para saking maabutan ito. Nahagip ko ang isang kamay nito. "Sandali lang". Matalim ang pagkakatingin niya sakin. She is really pissed off.

"Ano naman ang dahilan mo ngayon? Don't tell me nagkasabay lang kayo. Vince malinaw pa sa tubig. Kitang kita ng mga mata ko at dinig na dinig ng tenga ko." Iritadong hinarap ako ni Grizelda. I don't want to lie to her pero magagalit talaga siya sakin kaya hindi kaagad ako nakapagsalita. I admit bigla akong nakaramdam ng takot.

"Oh ano you are not gonna defend yourself." Pagalit pa nitong sabi.

"Sorry." Napabuntong hininga ako at mariing napapikit. "She had a bad day sa office and she was crying when I saw her kaya ng magpasama si Samantha para kumain hindi na ako nakatanggi. She is a friend alam mo yun."

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now