Chatper 38 Truth

15 3 0
                                    

Vince POV

Ilang araw na din ang nakalipas ng huli kaming mag usap ni George. Hindi lingid sa kaalaman nito na sikreto akong gumagawa ng sarili kong embistigasyon pero mas lalo ata akong naguluhan sa naging decision ko. Sana naging kuntento nalang akong walang alam.

"Pare mukhang ang lalim ata ng iniisip natin ah. May problema ba?" tanong ni Troy bago inisang lagok ang shot ng tequila. Nasa bar  kami just to chill and to kill the time. I initiated to hang out so I can free myself from over thinking. Siguro naman after this makakapag isip na ako ng tama. I need to make a move or else I will loose this fight.

"Iinom nalang natin yan Vince. Cheers." Sabay taas ng baso ni Lester.

"Oh pano may mga chika babes na. Lapitan ko na ba?" Excited na sabi ni Troy.

"Wag nyo akong isama sa kalokohan nyo." Sabat ko. "Subukan nyo lang magdala dito ng babae, kayo ang pag babayarin ko ng lahat ng ito."

"Vince we are here to enjoy at hindi para magmukmok." Sinamaan ko ng tingin si Lester. Alam kong hindi ako titigilan ng dalawang ito ng hindi sila nadidiligan.

"Bahala nga kayo wag na wag nyo lang akong isasama sa mga kalokohan nyo." Mas lalo ata akong hindi makakapag isip ng tama sa dalawang ito.

"Yes boss takot lang namin kay Ms. Ganda." Sabay tawa ng dalawa.

"Puro kayo kalokohan." Naiiling kong sabi.

"Pero Vince yung totoo ayaw mo ba talaga? Sige ka baka mamaya maiingit ka samin tapos agawan mo kami bigla. Hindi pwede yun pre. Ang samin ay samin lang." Sabay tawa ng malakas ni Troy na sinabayan naman din ni Lester.

"Mga gago." Sumenyas ako sa barista na bigyan pa ako ng isang bote. Hindi naman nagtagal at dumating ang order ko pero hindi lang isang bote ang inilagay sa mesa namin.

"Sandali lang isa lang ang sabi ko di ba."

"Sir para sa inyo po yan pinabibigay po ng lalake sa kabilang table." Parang nagpanting ang tenga ko. Lalake, ang putcha naman oh. Mukha bang bakla ang hanap ko.

"Ibalik mo." Inis kong sabi.

"Pero sir."

Salubong ang kilay kong binalingan ang kabilang table at ng namataan ko ang grupo nina Rixx ay saka palang biglang nawala ang pagkainis ko. Akala ko talaga, never mind.

Tulad namin ay nag kakasiyahan ang mga ito at may mga kasamang babae ang bawat isa maliban kay Rixx. Itinaas ni Rixx ang isang bote ng beer at ganun din ang ginawa ko. Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ko.

Rixx: lets talk

Nang tumayo si Rixx ay saka palang ako kumilos. Nag iwan nalang ako ng bill at saka sumenyas kay Lester. Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin ng makita ang grupo sa kabilang table.

I saw Rixx puffing a cigarette, base sa pagkakakilala ko dito he is not into smoking lalo na kapag kasama ang kapatid nito.

"Please don't tell my sister." Ito kaaagad ang bungad sakin ni Rixx ng makalapit ako. Hindi pa ito nangangalahati ay tinapon na niya ito. "You know she will hate me for this. I just wanted to release my stress."

"Alam mong honest ako sa kapatid mo kaya don't blame me kung sakaling madulas ako." Pabiro kong sabi.

"Talaga lang ha. Honest? I will keep your word bro, make sure mapanindigan mo yan sa kapatid ko." May konting guilt akong naramdaman dahil alam ko sa sarili ko na darating ang araw na mababali ko ang sinabi ko. "Oh natahimik ka dyan. Gusto mo na bang bawiin ang sinabi mo."

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now