Chapter 15: RCL Motors

31 4 0
                                    

Vince POV

I'm here at RCL with my cousin. Hindi maikakailang malaki talaga ang kumpanyang pinapasukan ng pinsan ko. Maabilidad at magaling daw kasi ang may ari nito kaya sa konting panahon ay napalago kaagad ito.

They hired May as a part time accountant. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pa ito tapos sa pag aaral ay nagtiwala na kaagad ang mayari dito. Matalino naman talaga ang pinsan ko pero hindi pa siya lisensyadong tao. Pero pasalamat narin dahil she really needed an extra income for her studies. She unfortunately didn't get the full scholarship unlike me na buo kong natatanggap kaya mas magaan para sakin. May pinagkukunan din naman ako ng extra income para sa pambayad ng bahay at iba pa. From our family kaming dalawa ang mas nanaising kumayod para sa sarili kaysa umasa sa pamilya.

"Vince halika na, ano bang tinutunganga mo diyan baka dumating na si Mr Masungit." Sigaw ni May habang papasok ng RCL.

"Sinong masungit?" Tanong ko dito habang sinusuri ang kabuuan ng show room.

"Halika na." Sabay hila nito sa kamay ko.

Pumasok kami sa isang hallway papunta ata sa offices dahil may ilang cubicle akong nakikita sa loob.

"Nakikita mo ba yang kwarto na yan. Office po yan ng masungit na si Rixx at ito namang nasa labas ang sakin. Di ba parang bantay lang ang peg ko." Maarte nitong sabi.

"Walang office dito ang owner kasi nasa Manila daw. Hindi ko pa nga ito nakikilala kasi ni minsan hindi pa bumibisita dito. Laging si Mr Masungit ang nagrerepresent sa kanya. Kaya ako tiis tiis ng konti aba sayang ang malaking sahod nohh." Sunod sunod na sabi nito.

"Alam mo ba na ako ang kinuhang business partner aside sa pagiging accountant di ba nakakatawa. Ni wala nga akong ibinigay na share pero partner daw kami. Di ba kalokohan yun pero ok na rin kasi mas lumaki ang pasahod ko ngayon." Kwento pa nito habang binubuksan ang computer sa harap niya.

"Bakit kasi hindi ka nalang umuwi para hindi ka magtrabaho dito."Sabi ko habang sinisilip ang opisina ni Rixx

"Eh bakit ikaw ha. Wag ka nga diyan." Sabay ismid sakin. "Teka ano bang kailangan mo ha? Hoy! Wag mong bubuksan yan. Sandali lang nga. Pumunta ka ba dito para bumili ng sasakyan. May pambili kana ba? Akala ko ba wala kanang planong bumili ng isa pang motor."

"I need to talk to Rixx. What time ba siya darating?" Sabay upo sa sofang malapit sa office ni Rixx. Sa dinami dami ng tanong nito ay ni isa ay wala akong sinagot.

"What! Yun lang ba ang kailangan mo eh di sana binigay ko nalang ang number niya, ang labo mo naman eh. Magagalit yun sakin, wala ka sa schedule tol." Sabay sabunot sa buhok niya. Baliw talaga.

"MAYANG!" May malakas na sigaw kaming narinig galing sa labas at halatang galit ang boses nito.

"Patay na andiyan na siya." Nagmamadaling lumabas si May.

Naghintay ako saglit at maya maya lang ay dumating si Rixx kasunod si May na umandar na naman ang kalokahan. Lagyan ba naman ng kunwaring sungay si Rixx gamit ang kamay habang nakatalikod ito at ng lingunin ito ay mabilis nitong tatanggalin.

"I know what you are doing Mayang. Kaya stop it or else." May pagbabanta sa boses ni Rixx, madilim ang mukha nito habang papasok pero ng makita ako ay bigla itong naging kalmado.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now