Chapter 44 Time

10 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Galit talaga ako sa nakita ko pero bumawi naman si Vince sakin. Pinaramdam niya na ako nga lang para sa kanya.

Kinikilig ako. Sino ba namang hindi kikiligin, kahit ba walang label basta may understanding ay sapat na. At least kahit papaano nasayo ang attention ng taong gusto mo. Pero sa isang banda wala kang security kaya nga I need to guard my heart. Paano kung mahal ko na talaga siya. Masaya ako kapag kasama ko siya at feeling ko lagi akong safe pag andiyan siya. Gusto ko lagi ko siyang nakikita. Pinapalakas pa niya ang tibok ng puso ko at higit sa lahat ayaw kong nakikita siyang kasama si Samantha kasi nag seselos ako kasi nga mahal mo. The end.

Isang busina ang nagpabalik sa aking katinuan. Nandito na siya kaya nagmamadali akong lumabas, may usapan kasi kami ngayon. Pag bukas ko palang ng pinto ay ang lawak na kaagad ng pagkakangiti ko.
Para naman akong matutunaw sa mga titig nito kaya sino ba namang babae ang hindi maiinlove dito. Mata palang makalalag panga na. Asan na ang halik ko sa pisngi. Napanguso tuloy ako, asan na.!?!?Makapag first move na nga. Sasalubungin ko na sana ito ng yakap ng mabaling ang tingin ko sa bahay niya. Literal akong napatigil. Anong.....

"Hi princess." Sabay sabay na bati ng apat. Ang panirang mga kaibigan ni kuya. They are all smiling at me na para bang nanunukso. Napasimangot ako.

"What's wrong?" Tanong ni Vince.

"Anong ginagawa nila dito? Bakit nandito sila?" Masama parin ang mukha ko habang nakatingin sa apat at lalo lang akong napanguso ng lumabas si kuya. Hindi naman sa ayaw kong makita sila. Ang totoo miss ko na sila kaso lang GriVin time namin ngayon. Meaning Grizelda/Vince time. Panira talaga ng araw ang mga ito.

"My princess." Naglakad  palapit samin si kuya at mahigpit akong niyakap. Hindi parin maipinta ang mukha ko.

"I miss you. Oh masama ata ang gising ng princesa ko. Hindi mo ba nakita sa panaginip mo ang prince charming mo." Nangingiti ito habang nakatingin kay Vince.

"Tss. What are you guys doing here?"

"Ouch princess hindi mo ba kami na miss. Hindi mo ako namiss." Lumapit ito kay Vince. "Bro ang bilin ko bantayan mo lang ang kapatid ko, bakit mukhang binura mo naman ata kami sa puso nito."

"Ang arte mo kuya. May lakad kami ngayon kaya wag niyo kaming guluhin." Sabay hila ko kay Vince. Napangiti ako ng nagpahila naman ito.

"Wait. Pwede naman kaming sumama di ba." Habol ni kuya samin.

"No freaking way." Nagpatiuna na akong sumakay ng motor. Binalingan ko ng tingin si Vince. Anong pang tinutunganga ng lalakeng ito. May balak pa atang isama ang mga ito.

"Vince. Lets go." Pag kuha ko ng attention dito na agad namang sinunod.

"Bro." Tawag nito kay kuya. "Leave her to me. May date lang kami." Sabay suot nito ng helmet.

"WHAT?!!!" Sigaw ni kuya. Tumingin ako sa kapatid ko sabay thumbs up. Malawak ang pagkakangiti ko. May date daw kami. Kilig.

Pinaharurot ni Vince ang motor kaya mahigpit akong napahawak dito. Liningon ko saglit si kuya at kahit malayo ay halata ang pagkagulat dito. Napapangiti parin akong humilig nalang sa likod ni Vince.

"Where are we?" Tanong ko ng makababa kami. Nasa isang resort ba kami? Inilibot ko ang mga mata kung resort nga ba ito pero bakit walang ibang tao. Sinulyapan ko si Vince. Hindi ako pinansin. Busy ito sa pag aayos ng kanyang motor. Hindi na ako mapakali kaya kinalabit ko ito.

"Nasaan tayo.?" Pabulong kong sabi. Iniayos muna nito ang helmet namin saka ako hinawakan sa kamay.

"Lets go." Aya nito. Hindi nalang ako nagtanong muli. Bahala na nga hindi naman siguro ako ipapahamak ng kasama ko.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now