Chapter 32 Changed

13 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng pag-uusap namin ni Vince ay naging busy kami pareho sa school at sa trabaho. Hindi naman siya nakalimot na isabay ako araw araw pag pasok kasi pareho lang naman ang schedule namin. Nagpumilit pa nga itong isabay ako tuwing uwian pero tumanggi na ako dahil sobrang abala na para sa kanya pag pumayag pa ako. Alam ko namang busy siyang tao tapos makikigulo pa ako. Kahit pareho kami ng schedule ay may sarisarili naman kaming pinag kakaabalahan after ng class. Siya busy sa activities ng school at ako naman kung ano nalang maisipang gawin magkaroon lang ng dahilan para di na siya magpumilit sa gusto nito.

We are ok. I think? I want to open up with him about anything pero may nagpipigil sakin para gawin yun. I don't see myself as his friend or best friend kaya hanggat maari ay iniiwasan ko na mangyari yun. Vince on his part, kita ko ang effort niya to be close to me. He always ask me to join him during lunch pero malimit ay tumatanggi ako. Minsan nga he ask me to go out together with his friends but I always declined because to be just his friend is not my cup of tea.

Ang akala ko mas magiging madali sakin na naging ok kami at nasabi niya na mahalga ako sa kanya pero mas mahirap pala. Naninimbang ako kung anong level ng kahalagahan ko para sa kanya. Shall I distance myself ayaw kong mahulog then walang sasalo sakin.

Vince calling

Napabuntong hininga ako saka sinagot.

"Yes." Pasinghal kong sagot.

"What was that for?" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong magkasalubing na naman ang kilay nito.

"What!"

Dinig ko ang pag tsk nito. "Nothing. Are you ready? Nandito na ako sa labas."

"Hindi ako sasabay. Mauna kana." Walang gana kong sagot.

"You sounds not fine. May sakit ka ba?" Nag aalala nitong tanong.

"Wala." Sagot ko dito.

"I dont believe you." Halata ang frustration sa boses nito. "Open the door Grizelda."

Tamad akong naglakad at mariing pumukit bago pagbuksan ito ng pinto. Pagbukas na pagbukas palang ay kaagad nito akong dinaluhan at dinama ang noo. Hindi sa noo ang masakit dito sa puso ko. Gusto ko ng isigaw sa kanya.

"Wala akong sakit Vince." Tumitig ito sakin na para bang naghahanap ng tamang kasagutan sa mga mata ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"Yah, I felt that. You are perfectly fine but I feel that you are not ok." Hinapit niya ako sa bewang. "What is it hmm?"

Eto naman siya eh. Yang mga kilos na yan ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob para umasa kahit alam kong pwede akong umasa sa wala. Habang tumatagal kasi ay nakikita ko ang pagka sweet nito at pagiging caring. Normal lang siguro sa kanya yun ako lang itong masyadong assuming.

Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa bewang ko. "Magbibihis lang ako, matagal akong kumilos kaya kung gusto mong mauna ok lang sakin baka malate ka pa."

Naningkit ang mga mata nito. "No." May diin nitong sagot. "Maghihintay ako, sasamahan kita sa doctor."

"What! I told you wala akong sakit."

"I know" sagot ni Vince at saka prenteng naupo sa sofa. I cross my arms and look at him. He also look at me with blank expression. "Why are still standing there Grizelda? Go and change." Hindi parin ako kumilos.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now