Chapter 9: Invitation

29 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Lumipas ang buong linggo na hindi kami nagpapansinan ni Vince o sabihin na nating iniiwasan ako ni Vince. Wala naman sakin yun, hindi naman kami close pero nakakamis rin pala ang prisensya nito.

Araw ng biyernes kaya nasa bahay lang ako at ginugugol ang buong oras sa pagbabasa. Hindi ako nag susunog ng kilay, pocket book po ang trip ko, pampalipas ng oras. Habang nasa kalagitnaan ako sa aking binabasa ay saka naman biglang may sunod sunod na kumatok, bad trip talaga kung kelan medyo suspense na ay saka naman may istorbo. Nagmamadali kong binuksan ang pinto at nabungaran ko si Rixx na hindi maipinta ang mukha.

"Ang tagal mo namang magbukas Princess, I need to use your Lou." Mukhang may pinagdadaanan, sasabog na ata ang pantog nito.

Hinayaan ko nalang siyang pumasok at pinagpatuloy ang nahintong pagbabasa. Ang ganda na ng storya. Halo-halo na ang nararamdaman ko may takot, excitement at kaba ng biglang nawala ito sa paningin ko.

"Shit ano ba, akin na yan." Panggulo talaga ang taong ito sa buhay ko. "Amina na nga. And what are you doing here? Pinapunta ka ba nila dito ha? If yes, umalis kana ok."

"Hey hey hey hold on. Walang nag utos sakin Princess ok. I'm here to visit you, miss na kaya kita. Hindi mo ba ako na miss?" Pacute na sabi ni Rixx.

"Teka lang ha pag-iisipan ko." Sabay hawak ko sa baba na kunwari'y nag iisip.

"Ah ganun, ok lang naman sakin kahit hindi mo ako mamiss. Hindi ko nalang ibibigay sayo ito. I will invite someone else." Sabay taas ng isang ticket.

"Ano yan?" Nakasimangot kong tanong kay Rixx.

"Hulaan mo, pag tama ang hula mo sayo nalang ito pero pag mali, sorry Princess pero ibibigay ko nalang ito sa iba."  Pailing iling pa na kala mo naman hinayang na hinayang.

"Ha, ang daya naman." Saglit akong napaisip at ng may biglang maalala ay halos manlaki ang mata ko.

"Oh my god! Wag mong sabihing ticket for motor show yan." Super excited na sabi ko at tumango naman si Rixx. Wala na, bigla ko nalang siyang niyakap ng sobrang higpit at kinuha ang ticket dito. Hindi ko maalis alis ang titig ko sa ticket na hawak hawak ko baka kasi biglang maglahong parang bula minsan na nga lang ito. Kumurap kurap pa ako pero hindi nawala, this is real talaga. Parang gusto ko tuloy maiyak, matawa at kung ano ano pang emosyon ang gustong kumawala sakin. Dinaig pa nito ang epekto ng binabasa ko kanikanina lang.

"Sa wakas your dream come true na. I'm really happy and excited for you." Abot hanggang tenga ang ngiti ko kay Rixx ng sabihin ko ito. Kitang kita ko naman sa mga mata nito ang sobrang excitement.

"Thank you Princess, sana maging successful."

"Pero, alam ba ng ......" hindi na niya ako pinatapos at umiling. Bakas ang lungkot sa mga mata nito. Ang excitement nito kanina ay kaagad nawala pati tuloy ako ay nalungkot para sa kanya.

"I want to invite them pero alam mo naman hindi ba, hindi sila sang ayon sa gusto ko. Pero ok lang naman basta andyan ka. Ikaw kaya ang lucky charm ko." Sabay halik sa noo ko.

"Eiw bat ang baho mo? Anong amoy yan." Nakangiwi kong sabi.

"Oh shit! This is all her fault. Tinapunan ba naman ako ng patis." Naiinis nitong sabi habang inaalis isa-isa ang pantaas na suot.

"Hoy! Dun ka magbihis sa kwarto wag dito. Hindi naman maganda ang katawan mo eh." Sabay tulak kay Rixx papasok sa guest room kung saan doon ko tinambak lahat ng gamit niya he he he he at ng makapasok ito.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now