Chapter 37 Run Away

16 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Isang linggo ang lumipas at hapos hindi na kami magkandaugaga ni Vince sa dami ng homework sa school at sinabayan pa ng dami ng trabaho sa Mondragon. Me and Vince have to earn money kasi pareho kami ng pananaw sa buhay. Ayaw na kasi naming umasa sa aming mga pamilya. Yes, Vince told me about his life and his family. Ang akala ko simpleng buhay lang meron ito pero hindi pala. His family is so damn rich pero iginiit niya saking hindi siya ang mayaman kundi ang lolo niya. Matagal narin daw na panahon ng itinakwil si Vince ng kanyang ama. Ito ay ng mag desisyon itong lumayas matapos umalis or bigla mawala ang lolo niya. Kaya ano man daw ang meron ang pamilya niya ay hindi siya kahati doon.

"Ms. Lopez are the documents ready? Engr. Thomas ask me.

"Yes Engineer." Ngayon namin bibisitahin ang isa sa mga projects ng Mondragon.

"Good. We are about to leave in a few minutes."

Paalis na sana kami ng bigla namang humarang saming daraanan si Vince.

"Where are you going?" Matigas ang mga salita nito at ang mga mata ay madilim na nakatingin kay Engr. Thomas. Nag aalangan tuloy akong sumagot baka kasi hindi naman ako ang tinatanong ni Vince. Sa huli ay sumagot narin ako.

"Kasi ano." Pinutol naman ni Engineer kung ano man ang sasabihin ko.

"Rizze we don't have any reason to be late. And you Vince." Tinapunan nito ng tingin si Vince. "If you want to come with us, it's up to you." Saka ito diretsong naglakad kaya sumunod ako kay Engr. ngunit bigla nalang akong hinila ni Vince.

"Teka lang Vince. Engr needs me, nasa akin ang mga kailangan niyang papeles." Para itong walang narinig at patuloy parin ito sa paghila sakin. Kahit gusto ko itong sigawan ay hindi ko ginawa. Makakakuha lang kasi kami ng attention which is ayaw na ayaw ko.

"Sakin ka sasabay." Madiin nitong sabi.

"But Vince."

"No buts Grizelda. Pag sinabi kong sakin ka sasabay sakin ka sasabay. Understood." Galit ito kaya hindi na ako nagpumilit pa. Nagpatangay nalang ako sa paghila sakin ni Vince hanggang makarating kami sa parking area. Akmang maysasabihin ako ng mag ring ang telepono ni Vince.

"She is with me. Just send me the direction." Pagak itong tumawa. "Run away? are you kidding me. Just sent it to me Calvin." Pagkatapos kausapin ni Vince si engineer ay saka palang ito napatingin sakin.

"Why are you still outside? Get in the car Grizelda." And suplado talaga ng taong ito ang sarap iuntog ng ulo ng magka amensia naman kahit in short period lang. Bakit ko ba hinahayaang mapasunod ako ng lalakeng ito.

"Don't make face Grizelda. Kung mas gusto mong kasabay si Calvin. Sorry baby but I don't give a damn."

Nakarating naman kami ni Vince sa site ng maayos. Everything went well except sa malimit na pag susungit ni Vince. Ito ata ang nag kaka PMS at hindi ako. Lahat nalang kasi sinusungitan nito. Nakakahiya tuloy sa mga kasama naming architects at engineers na nasa site. Wala namang gingawa ang mga ito sa kanya, sa katunayan nga they are all very nice pero itong kasama ko buong araw ata na hindi maipinta ang mukha. Hindi lang doon natatapos ang kasungitan ni Vince. Dinala pa niya ito sa school.

"Hi Rizze." Napatingin naman ako sa taong bumati sakin. Isang napagandang ngiti ni Karl ang sumalubong sakin.

"Hello." Nahihiya kong sagot. First time kasi niya kasi akong binati. Dati rati kasi ay nginingitian niya lang ako every time na makakasubong ko ito lalo na pag kasama ko si Vince.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now