Chapter 16: His new baby

24 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Nakakainip naman dito sa condo kung pwede lang umuwi sa bahay ay ginawa ko na kung hindi lang mapilit si mommy. Kasama niya si daddy at sabay silang naglambing sakin, miss na daw nila ako. Nag request silang mag stay kami dito sa condo for the whole weekend para magka pagbonding man lang daw kami. They have missed me so much, ako din naman namiss ko sila. Hindi na ako nakatanggi kaya I decided to spend my weekend with them. Kahit hindi pa ito ang tamang panahon para magpakita sa kanila ay wala naman akong nagawa baka magtampo pa sila sakin.

Hindi ako pumayag na tumuloy sa Family house namin, ipipilit lang kasi nila kung ano ang gusto nila at malamang paghahandaan nila ang pag dating ko. Iyon ang ayaw kong mangyari.

"Anak, ano ba talaga ang problema bakit kailangang umalis ka pa." Pagmamakaawang tanong ni mommy.

"Ma, ito na naman ba tayo eh di ba nasabi ko na sa inyo. Sasabihin ko rin pagdating ng tamang panahon." Magsisimula naman sila.

"Hon, wag mo nalang pilitin. Buti nga pumayag pa si princess na magpakita satin'" sabi naman ni daddy na hinihimas ang likod ni mommy to calm her.

"Yan ka naman eh, kinukunsinte mo yang kapritso ng anak mo, pareho kayo ni Rixx." Tampo na naman si mommy. Pag si mommy nagdrama tatahimik nalang si daddy.

"Ma, Dad. This will be the last." Sabay tingin ko sa kanila. "Please, let me live by my own. Hayaan niyo muna ako please." Pag mamakaawa ko.

"Ano bang kailangan mong patunayan samin? Na kaya mo ng mabuhay mag isa? Ganun ba?" Tanong ni mommy na mangiyak ngiyak na.

"Maybe or maybe not." Sagot ko na tuluyang kinaiyak ni mommy.

Bumalik ako ng Cavite kinabukasan at ikina gulat ko ng makita si Rixx sa loob ng aking bahay.

"Oh, what are you doing here?" Bungad ko sa magaling kong kapatid.

"Wala man lang bang hi or hello Princess. Mukhang mainit ang ulo natin ah." Nakanguso pa ng loko kala mo naman bagay.

"Hindi ko na talaga sila bibisitahin. Last na yun kuya. Saka nalang ulit pag ok na sila." Pagmamaktol kong sabi at umupo sa tabi nito.

"Ok if that what you want." Sabay tayo ni Rixx at binuksan ang TV.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nandito? Umuwi kana kung wala kang valid reason." At ang magaling kong kuya parang walang narinig. Tutok ang atensyon sa TV. Sa inis ko ay tumayo ako sa harap niya para mapunta ang atensyon niya sakin.

Nakapamewang ako sa harap niya. "Ano? Sagot."

"May lakad ka ba bukas?" Tanong nito habang sinisilip ang palabas sa likod ko.

"Kung wala ano naman sayo." Mataray kong sagot.

Napatingin ito sakin at tumayo. Hinawakan niya ako sa balikat at marahang pinaupo sa sofa. Ngayon siya naman ang nakatayo sa harapan ko. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nito. Ganun din siya sakin, para bang binabasa rin niya kung ano ang nasa isipan ko. Para lang kaming timang na magkapatid di ba.

"Damn. He really got me there. Princess I need a favor from you. I need a delivery girl." Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Delivery girl, ano naman ang kinalaman ko doon.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon