Chapter 23 New begining

21 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Lutang parin ang utak ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit ko nagawa ang mga bagay na hindi dapat. Una sa lahat, hindi dapat ako pumayag magpahalik. OMG my virgin lips.

Kinabukasan, Vince insist na ihatid ako pagkatapos ng huli naming klase, hindi na ako nakipagtalo pa dahil wala narin namang halaga. Nahalikan na eh.
Pagkahatid sakin ni Vince ay pilit ko itong pinapaalis ngunit kahit ipagtulakan ko ay ayaw talaga. Hanggat hindi daw kami nakakapag usap ng maayos ay hindi siya aalis. Kailangan pa ba yun eh naghalikan na nga kami eh.

"Ano pa bang dapat nating pag usapan. Wala na di ba. Ito na naman tayo Vince. Paulit ulit" Nakasandal ito sa may gate at seryosong pinagmamasdan ako. Bumuntong hininga ito at saka lumapit sakin.

"Did I agree with you? Hindi naman di ba?" Pangangatwiran ni Vince. Mas lalo itong lumapit sakin kaya napaurong ako. Sa bawat pag urong ko ay siya namang pag lapit niya sakin hanggang namalayan kong nakasandig na pala ako sa may pintuan. Kaagad niyang itinukod ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko malapit sa ulo. Naiilang ako, masyado kaming malapit at hindi tama ito.

"Please don't do this." Pakiusap ko.

"Don't do what?" Ipiniling ko sa kaliwa ang mukha ko ng bahagya itong yumuko. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko, nakakapanindig balahibo.

"You are too close." Hindi ito natinag sa halip ay mahina itong tumawa.

"Really?" Pabulong na sabi ni Vince. At ang sumunod na nangyari ay hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Sa gulat ko ay napatingin ako dito. Nanlaki ang mga mata ko at pinipigilang gumawa ng kahit konting pag galaw dahil konting konti nalang ay pwede ng maglapat ang aming mga labi. Seryosong nakatitig sakin si Vince. Kumabog ang dibdib ko ng may ibinulong ito sakin. "For me this is what I call close Grizelda."

"Please" nakagat ko ang pang ibabang labi ko habang nilalabanan ang mga titig nito. Hindi ko magawang umiwas para bang magnet ang mga mata nito. Sa ganda ay hindi mo gugustuhing hindi ito titigan. Umangat ang gilid ng labi nito.

"Please what? Tell me Grizelda." Malambing nitong tanong saka ako mabilis na hinalikan sa pangatlong pagkakataon at ng bumitaw ito ay saka palang ako natauhan. Nagpaubaya na naman ako.

"Why did you do that again?" Wala na talaga akong maisip sabihin sa kanya kundi ang magtanong.

"Because I wanted too. I don't know why, I just felt wanted to kiss you again." At saka kinuha sakin ang susi at mabilis na binuksan ang pinto.

"Get inside." Para akong tanga na nakatulala lang sa kanya. Pilit ipinapasok sa isip ang sinabi nito. "Grizelda? I said get inside before I change my mind." Napakurap kurap ako at mabilis na pumasok sa loob. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na pinagsarhan ito ng pinto. Sapo ko ang aking dibdib na napasandal sa pinto, ang lakas ang tibok ng puso ko mabibingi na ata ako. Pumukit ako saglit at napapitlag ng may sunod sunod na kumatok. Ano na naman bang kailangan niya.

"Grizelda please open the door." Nakatitig lang ako sa pinto. Wala akong balak pagbuksan ito baka kung anong magawa niya sakin hindi pa ako handa.

"Grizelda I said open the door. Kung hindi mo ako pagbubuksan mapipilitan akong buksan ito sa kahit anong paraan." Kinabahan ako bigla baka nga totohanin niya ito. Unti unti kong iniawang ang pinto at saka sinilip ito.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now