Chapter 21 Outrage

26 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Ahhh buwisit talaga, bakit ba ang tanga tanga ko. Halos mapudpod na ang lapis na hawak ko sa paulit ulit na pagkakamali at kanina parin ako nasesermunan ni Vince. Ano bang magagawa ko, eh sobrang distracted ako sa presensya niya. Naka white long sleeve kasi ito at dark maong pants. Medyo nakatupi ang sleeves at ang nakakaloka nakabukas ang ilang botones nito kaya nawawala ako sa concentration.

Napabuntong hininga nalang ako. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito, very casual pero ang lakas ng dating. Sanay kasi akong nakikita siyang naka simpleng polo shirt at t-shirt na kalimitang pinapatungan lang ng leather jacket.

Napanguso ako ng maalalang muli ang mga nangyari sa araw na ito. Bigla ba namang tumawag si Vince at inutusan akong magbihis dahil may importante daw kaming pupuntahan. At ako naman siyempre sa pagmamadali ay simpleng t-shirt at jeans lang ang napiling isuot eh hindi ko naman akalaing sa Mondragon pala niya ako dadalhin. After meeting the president the other day kapag nababanggit na ang salitang Mondragon lagi nalang akong natataranta. Kaya sobrang inis ko kasi I'm not prepared at ang loko nginitian lang ako. Nakakahiya tuloy sa mga empleyado dito. Ang dami pa namang mga gwapong architect at engineers na naglalabas masok ng opisina kung saan kami naka assign. Hindi naman kasi sinabi ni Vince na ngayon na pala ang official day ng pagiging partimer.

Habang nakatitig kay Vince na busy sa trabaho niya ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat galaw ng mga mata nito, ang pag bukas at sara ng kanyang bibig maging ang pagtaas baba ng adams apple nito. Bakit habang tumatagal ay nagiging sobrang gwapo ito sa paningin ko.

"Grizelda are you done?" Napapitlag ako sa pagtawag ni Vince sakin. Dinig ko and pag "Tss." nito sabay iling. May tinatapos kasing malaking project ang Mondragon kaya sobrang busy ng lahat. Hindi ko nga alam kung nakakatulong ba ako o nakakagulo lang sa kanila. First job ko ito kaya nahihirapan ako. What do you expect sa taong distracted. Wala di ba?

Ang trabahong ibinigay sakin ni Vince ay ang lagyan ng measurement ang bawat floor plans at dahil distracted nga ang lola mo ayun puro mali ang mga ginawa ko. Buti nalang at very understanding si Vince kaya mag photo copy nalang daw muna ako at pag naka adjust na ako ay saka nalang daw ako bibigyan ng ibang task.

"Tapos na." Nakasimangot kong sagot habang inuulit na naman ang mga measurements. Sino ba namang hindi maiinis ay halos isang katerbang files ang ginawan ko ng copy. Buti nalang at mabilis akong kumilos at ngayon nga balik na naman sa mga floor plans.

"Good akala ko nakatulog kana." Nakangising tumingin ito sakin na pinagtaasan ko lang ng kilay.

"Vince where are the blue prints?." Napatingin naman ako sa makisig na lalakeng dumating. Gwapo siya pero masyadong mabait ang dating hindi kami bagay. Napapangiti naman ako sa kalokohang naiisip.

"Tss." Singhal ni Vince ng dumaan ito sa harap ko.

"Engineer, ito ba?" Tanong ni Vince sa makisig na lalake. So engineer pala ito. Kaya pala. Ilang taon na kaya siya? Hindi naman siguro nagkakalayo ang edad namin. Masyado ba akong assuming. Girl engineer na yan eh ikaw kakasimula mo palang ng college.

"Yes, thank you." Aalis na sana ito ng magawi ang mga mata nito sakin. Napatulala naman ako ng mapansing blue pala ang mga mata nito.

"And you are?" Hindi agad ako nakasagot at napalunok. Bigla akong natameme.

"Engineer shes's our new par-timer." Sabat agad ni Vince na biglang lumapit sakin at inakbayan ako. Napatingin naman ako dito then sa kamay niyang nasa balikat ko.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now