Chapter 13: Message sent

37 3 0
                                    

Vince POV

Simula ng malaman ko na magkapatid sina Rixx at Grizelda ay hindi na maalis ang mga mata ko sa dalaga. Ang laki ko kasing tanga, hindi man lang sumagi sa isip ko na pwede ang magtanong hindi yung nag conclude agad ako na boyfriend niya si Rixx. Hindi naman kasi makikitaan ng pagkakahawig ang dalawa maliban sa pag uugali ng mga ito at never kong nadinig ang salitang kuya pag kausap niya si Rixx, ngayon lang.

Nakaupo ako sa bar counter habang may hawak na isang bote ng beer, pinagmamasdan ang bawat kilos ni Grizelda. May kakaibang tuwa akong nakikita sa kanyang mga mata habang nakikipagkwentuhan at tawanan sa kanyang kapatid na si Rixx. Mukhang nakakarami na ito ng nainom, kapansin pansin kasi ang pamumungay ng mga mata nito. Halatang sinusulit ang bawat oras ng kalayaan na ibinigay sa kanya. Si Rixx naman ay medyo nakainom narin. Alam kong may balak talaga si Rixx na magpakalasing kaya nga ako ang sinabihan niyang maghatid sa kapatid niya. Inisang lagok ko ang hawak kong beer at naglakad palapit sa kinauupuan ng mga ito.

"Grizelda. It's time to go." Aya ko dito ngunit ngumuso lamang ito. Nangunot ang noo ko ng ubusin pa nito ang isa pang baso ng wine sa mesa. Inisang lagok lang niya ito na parang tubig kung inumin pagkatapos ay tumayo ito ngunit dahil sa kalasingan ay nawalan ito ng balanse buti nalang at nahawakan ko siya sa bewang.

"Tsk, iinom inom hindi naman pala kaya." Reklamo ko.

"Yoko pa pleasseee." Sabay hawak ni Grizelda sa magkabila kong pisngi. Hindi pa ito nakuntento at pinisil pisil pa ang mukha ko.

"Stop it Grizelda." Saway ko dito habang iniiwas ang mukha ko.

Humarap si Grizelda sa kuya niya at sa mga kaibigan nito. "Ikawww, ka-yo hik gusto nyoo na bang uma-lesh." Sobrang lasing na talaga. Gusto ko ng buhatin ang babaeng ito at iuwi ng manahimik.

"Send her home Vince, use Kurt car." Nakapikit na sabi Rixx.

"Kami na ang bahala sa motor mo, don't worry." Inihagis ni Kurt sakin ang susi ng kotse niya. Mukhang lasing narin ang isang ito kasi pati ata susi ng condo nito ay pilit na ibinibigay sakin.

"Please send her home in one piece pare." Nakangiting sabi naman ni Warren na nag peace sign pa sakin. Tama lang pala na sumama ako dahil kung hindi paano na si Grizelda.

"Sige na Vince ihatid mo na ang prinsesa ni Rixx. Ako na bahala sa mga lasingerong ito." Si Paul lang ata ang hindi masyadong uminom dahil matino pa itong kausap.

"Nooooooooo!." Sigaw ni Grizelda habang walang tigil sa pagpadyak. Sa sobrang lakas ng sigaw nito ay naagaw nito ang atensyion ng karamihan ng tao sa bar. Katatapos lang kasi ng unang set ng banda kaya medyo soft music muna ang pinapatugtog dito.

"Carry her." Natatawang sabi ni Rixx. Kung hindi nakainom ang taong ito malamang hindi nito hahayaang basta nalang ipagkatiwala sa iba ang kapatid niya.

Nagpaalam na ako dahil kung magtatagal pa kami ay baka makatulog na ang babaeng ito. Nang hawakan ko ang kamay ni Grizelda para alalayan ito ay pilit naman nitong inaalis ang pagkakahawak ko. Nagpupumiglas pa ito kaya wala akong naging choice kundi ang buhatin ito sa balikat ko. Hindi naman ako nahirapan kasi hindi naman ito kabigatan.

"Shit! Put mei downmmm ashool." Sigaw nito. Pagtingin ko kay Rixx ay nag thumb ups ito sabay senyas na umalis na kami. Ibang klase ang trip ng mga taong ito.

"Wag kang malikot Grizelda baka mawalan ako ng balanse at maibagsak kita." Nasa labas na kami ng bar at patungo na sa parking.

"Shabii nang yoko pa uwie eehhh. Fuck! baket baligtad ang mundoo he he he.."
Ganito pala malasing ang babaeng ito. Alam kaya nito ang pinagsasabi niya. Kung hindi ko lang siya buhat buhat ay nakuhanan ko na ito ng video. Pang black mail ba.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें