Chapter 17 Second attempt

20 4 0
                                    

Vince POV

Kahit papano ay may nakita akong pag asa sa huling pag uusap namin ni Grizelda. Alam kong hindi na ganong kalaki ang galit niya sakin kaya gagawin ko ang lahat to gain her forgiveness. I will never stop.

Kanina pa ako dito sa labas ng school at inaabangan ang pagdating ni Grizelda. Hindi pa ito dumating kaya hindi ako mapalagay,  ilang minuto nalang kasi at mag sisimula na ang klase. "Vince bakit andito ka pa. Hindi ka pa ba papasok. Are you waiting for someone?"

"Yes, may hinihintay lang ako. Mauna kana Troy." Hindi na ako nag abalang lingunin ang kaibigan ko baka kasi mawaglit sa paningin ko si Grizelda at makalampas ito. I really need to see her.

Lumipas pa ang ilang minuto at walang Grizeldang dumating. Bagsak ang balikat ko habang papasok ng classroom. I'm 30 minutes late and I don't care. Ang concern ko ngayon ay si Grizelda, I don't know where she is at nag aalala na ako. Hindi kaya may sakit ito kaya hindi nakapasok o baka naman nag away ang magkapatid o baka ako ang dahilan ng hindi niya pag pasok.

Iniisip ko palang ang mga posibleng dahilan ay may kung anong gustong magtulak sakin para hindi narin pumasok at puntahan nalang si Grizelda sa bahay. Kailangan ko siyang makita at makausap sa ikakapanatag ng loob ko.

Papasok palang ako ng classroom ay seryosong boses ni Professor Lexi ang sumalubong sakin. "Mr. Samaniego, you are late. Buti naman at naisipan mo pang pumasok sa klase ko."

"I'm sorry, hindi ko namalayan ang oras." Lipad ang utak ko at wala akong ibang nasa isip kundi si Grizelda.

"So that's it? No more further explanation?." Tumango ako bilang sagot. Bakas ang pag kagulat sa mukha ng aming guro.

"Are you ok Mr. Samaniego? Tanong muli ng aming profesor. Isang tango muli ang ginawa ko.

Are you sure? May pagkamakulit talaga itong profesor namin, paulit ulit. This time ay binalewala ko nalang ito pero patuloy parin itong nagsalita.

"I know if someone is not telling the truth. I can see it through their action. Am I right Mr Samaniego?" Nakatingin lang ako dito. I am not in the mood to explain further.

"I'm sorry Ma'am. I don't have anything to tell my apology." Napabuntong hininga nalang ang guro namin. Buti at hindi na ito nagtanong pa at pinagpatuloy nalang ang nahintong pagtuturo.

"Well, like what I've said earlier Ms. Lopez..." napatigil ako ng banggitin ang pangalan ng taong kanina ko pa hinahanap.

Agad dumako ang mata ko kung saan laging nakaupo si Grizelda. Hindi nga ako namamalikmata andito siya. Para akong nakahinga ng maliwag. Pinakatitigan ko siya na parang ayaw ko ng kumurap baka mamaya ay bigla nalang itong mawala.

"Mr. Samaniego, is there something wrong? At doon palang bumalik ang aking katinuan.

Tumingin sa gawi ko si Grizelda at nagtagpo ang aming mga mata. Napakunot ang noo ko sa blanko nitong expression walang mababakas na kahit anong emosyon at diretso lang itong nakatingin sakin.

"Ma'am, may I say something?." Ibinaling ko saglit ang mata ko sa professor namin at naghintay ng sagot nito. Hindi ito nagsalita sa halip ay sumenyas ito gamit ang kamay na nagsasabing magpatuloy ako.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now