Chapter 11: Promise

31 3 0
                                    

Rizze POV

Kalalabas ko lang ng hospital na dapat ay kahapon pa, hindi kasi pumayag si Rixx na madischarge kaagad ako hangggat hindi nalalaman ang result ng test.

Ang sabi ng doktor na tumingin sakin allergy daw ako sa kikiam at fishballs pero pano mangyayari yun eh kumakain naman ako ng isda. Pinaliwanag sakin na iba raw kasi ang pagkaka process ng mga ito. Napagsabihan tuloy ako ni sungit.

Sa sumunod na araw ay ayaw parin akong papasukin sa school buti nalang at nadaan ko ito sa konting lambing. Pero bago ko siya napapayag ay ang dami daming kundisyones. Siya raw ang maghahatid at sundo sakin sa school at ang pinakamalupit pa ay isang linggo siyang titigil sa bahay kasi marami pa raw siyang aasikasuhin sa nalalapit niyang motor show. Ano namang connect eh may sarili naman siyang apartment na pwede niyang tigilan at nagpalusot pa, malapit din daw kasi dito ang bahay ng business partner niya kuno. Kala mo naman hindi ko alam na front lang niya sa business ang sinasabi niyang partner. Kaya wala akong choice kundi ang magtiis ng isang linggo na kasama si Rixx.

"Princess halika na, aalis na tayo." Ito ang ayaw ko sa lahat ang minamadali ako.

"Excited lang, ang aga pa kaya." Pangangatwiran ko.

"Basta halika na, may usapan kasi kami ng alalay ko ngayong umaga. May pasok kasi siya kaya dapat mas maaga kaming magkita." Paliwanag nito.

"Owss wag mong sabihin sa school ko rin siya nag aaral." Wala sa loob kong tanong habang inaayos ang mga gamit ko.

"Tsk, oo kaya pwede bilisan muna. At teka bat ganyan ang suot mo?" Ano naman kaya ang problema nito nahawa na ba siya kay Vince.

"Hello po, simula ng pumasok ako kahit ano po ay sinusuot ko noh. Wala kaming uniform kaya kung anong trip namin yun na yun. May reklamo ka." Kailan kaya ito titigil sa pakikialam.

"Alam mo Princess ok naman ang suot mo pero hindi ikaw yan. Ang kilala kong Princess ay laging naka dress o kaya skirt o short man lang at kung mag pantalon kaman ay hindi ganyan. Ang luwag luwag sayo."  Sinipat sipat pa nito ako mula ulo hanggang paa. Sabay palatak. Ang laki ng problema nito sa buhay.

"Pangit ba? Kailangan ko bang mag palit?" At tumango lang ito ng paulit ulit. Kaya tumakbo ako pabalik ng kwarto at nagbihis ng fitted jeans at tinernuhan ng fitted blouse.

"Better?" Tanong ko kay Rixx habang nakapamaywang.

"Yap, much better. Halika na." Sabay hila sakin palabas ng bahay. At ng pasakay na ko sa motor ni Rixx ay nakita ko si Vince na mukhang papasok narin. Dito lang pala siya nakatira sa tabi ng bahay ko. Neighbors bakit ngayon ko lang nalaman.

"Oh Princess kapit bahay mo pala si Vince. Make sure you to thank him ha." Tumango naman ako na parang bata. Naikwento kasi sakin kung paano niya nalaman ang kalagayan ko at kung sino ang tumulong sakin.

Mas nauna kaming dumating sa school at halos kasunod lang namin si Vince. Nag paalam naman kaagad si Rixx kasi daw kinukulit na siya ng kausap niya. Kaya pala panay ang vibrate ng cellphone niya kanina.

Hindi muna ako pumasok at hinintay ang pagpasok ni Vince. Nakita ko siyang ipinarada ang motor at naglakad papasok hawak ang helmet nito. Bakit ang cool niyang tingnan sa porma nito. Medyo nakatungo ito kaya hindi pa niya ako nakikita at ng magangat ito ng mukha, nagtama ang aming mga mata. Hindi nakaligtas saking paningin ang bahagya nitong pagkagulat. Medyo awkward, hindi ko kasi alam kung pano ako magsisimula.

"Hi" tipid kong bati kay Vince.

"Hi" tipid din nitong sagot. Sandali kaming natahimik na pawang nag iisip. Bakit bigla akong natameme. Dahil ba ang gwapo niya ngayon.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now