Chapter 43 I understand

18 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

I feel so happy today not because maganda ang tulog ko. Basta masaya lang. Inspite sa kapusukan namin ni Vince that night walang naging awkward moment after that. Mas naging close pa nga kami. He become very sweet at caring kaso lang ilang araw na siyang hindi pumapasok sa Mondragon. I ask him about it but he told me he will explain to me today. Kaya ito waiting...

Vince calling

"Hi gorgeous" Napangiti ako. Bagong pauso ni Vince. Dapat daw masanay na ako sa ka sweetan niya. Nakakakilig di ba. Haba ng buhok ko.

"Hello handsome." Papatalo ba naman ako, syempre hindi.

"Open the door. Andito na ako." Sa totoo lang, walang kami at hindi rin masasabi na mag friend kami kasi hindi daw kami ganun. Basta ganito lang muna na feeling naming dalawa may something kami. Ang gulo di ba basta as long as we are both happy sapat na yun for now.

"Ang aga mo naman." Bati ko kaagad pagbukas na pagbukas palang ng pinto. Agad naman akong ginawaran ng isang mabilis na halik sa pisngi. He always do that now kaya normal na sakin ang galawang Vince but deep inside super kilig na kaya ako.

"Late na nga ako eh. Are you ready?" Tumango ako. Dapat breakfast ang plano namin kaso nalate nga siya ng gising kaya brunch nalang daw.

Today is our free day, walang work at wala ring pasok sa school kaya pareho kaming free buong araw. Para saming dalawa lang ang araw na ito, sana naman. Hindi po date ang gagawin namin dahil hindi naman siya nanliligaw kaya wala lang talaga ito.

"Oh asan ang baby mo?" Tanong ko ng hindi makita ang motor nito.

"Nasa harap ko." Sabi nito habang nakatitig sakin. Napalinga- linga ako pero wala talaga. Saan ba kasi ito nag park.

"Vince, pinagloloko mo ba ako. Wala ni isang sasakyan dito." Napakamot naman ito sa batok sabay iling. Problema ng lalakeng ito.

"Slow mo talaga. Tara na nga." Sabay hila sakin. Iba din ito noh, eh wala naman talaga ang sasakyan niya.

"Sandali lang." hindi ito tumigil sa kahihila hanggang makarating kami sa may sakayan. Ok I get it, mag cocommute kami. Pero sana naman inabisuhan niya ako para hindi ako todo get up. Hindi sana ako nag jacket ng ganita parang off ko naman pag sakay ng jeep. Tatanggalin ko nalang pwede naman eh pero may kamay na pumigil sakin.

"I know what you are thinking." Sinuri niya ang kabuuan ko kaya napatingin din ako sa sarili ko.

May mali ba sa suot ko. Off course meron, ang jacket ko. Akala ko kasi dala niya ang motor niya. Pero pwede namang gawan ng paraan. Alisin si jacket para sando matching fitted jeans nalang di ba kabog.

May tinawagan ito saglit sa phone at ng may dumating na jeep ang akala ko ay sasakay na kami pero hindi man lang ito kumibo. Hay mapupuno na kaya ang jeep kaya ako naman ang humila sa kanya.

"Not there Grizelda and don't take off your jacket." Nagtataka akong tumingin sa kanya at ng aapila na sana ako ay may biglang tumigil na kotse sa harapan namin. Bumaba ang driver nito at pinagbuksan kami.

"Hop in." Sabi sakin ni Vince. OH! Literal na namilog ang bibig mo. Naguguluhan man kung kaninong sasakyan ito ay sumunod nalang din ako. I will ask him siguro later pero habang nasa biyahe ay kating-kati na akong magtanong kaso baka ma offend kaya nanahimik nalang muna ako.

Hindi ako mapakali kaya nilaro-laro ko ang mga daliri ko ng bigla itong hawakan ni Vince. Gulat akong napatingin sa kanya.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon