Chapter 4: Him

43 6 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Maayos naman ang naging takbo ng unang araw ko sa school. Wala akong naging problema sa mga subject ko maliban sa pagiging masungit sakin ng isa sa mga professor ko at dumagdag pa ang mayabang na lalakeng mukhang malaki ang problema sa buhay. Damuho talaga.

Buti nalang at tatlo lang ang subject today kaya maaga akong makakauwi ngunit pihadong bukas ay buong araw akong nasa school. Sa dami ba naman ng curriculum na kinuha ko at tanging lunch lang ang break na meron ako.

Nang makarating ako ng bahay ay naisapan kong maglaba at magluto ng hapunan, isinabay ko narin ang aking agahan para hindi ako ngarag kinabukasan. Habang naghahapunan ay hindi ko maiwasang balikan ang sagutan namin ng hambog na lalakeng yun. Sino kaya siya sa akala niya? Akala mo naman kung sinong gwapo. Pero gwapo naman talaga. Tshh. Napawi lang ang aking pag iisip ng tumunog ang cellphone ko. Tumawatag ang aking mahal na ina. Ihahanda ko na ba ang tenga ko sa mga sermon niya.

"Hello ma!" Masaya kong bati kay mommy.

"What have you done? Malakas na sigaw ni mommy na ikinapikit ng mata ko.

"Why did you cancelled your papers sa University. Di ba gusto mong maging lawyer? Nagbago na ba ang isip mo?Princess ano ba naman itong ginawa mo. Sumasakit ang ulo ko sayong bata ka at ano itong nabalitaan ko na tinakot mo daw ang tito mo para lang macancel ang application mo. My goodness Rizze. Tapos umalis ka pa ng bahay. Wala karim sa condo mo. Anak naman." Sunod-sunod na sabi ni mommy, alam kong galit na ito pero wala na silang magagawa andito na at nasimulan ko na.

"Mom let me explain please" Mahinahon kong sabi. Hindi ako pwedeng makipagsabayan sa temper ni mommy

"At ano na naman ang idadahilan mo ha? Bakit ka nasa Cavite? Wala tayong kamag anak dyan. Nag aaral ka ba ha? San ka nakatira? Please naman anak, don't make us worry to much." Ang huling salita ay halos pabulong ng sabi ni mommy.

"Ma isa-isa lang po ok. Nandito ako sa Cavite at alam ito ni Kuya." Napatakip ako ng bibig. Huli na ng marealise ko ang huling salitang sinabi ko.

"WHAT?" Halos masira ang eardrum ko sa lakas ng sigaw ni mommy.

"Sorry na ma,wag kang magagalit kay kuya, ako ang nagpumilit na wag munang sabihin sa inyo."Dinig ko sa kabilang linya ang mumunting hikbi ni mommy. Ma, are you crying?"

"Go on lady and explain." Lagot na ang daddy ko na ang nagsalita kaya bigla akong kinabahan.

"Dad! I'm sorry. Unang una po hindi ko tinakot si tito talagang favorite lang talaga niya ako." Pagpapaliwanag ko

"Rizze!" Galit na sabi ni daddy. "Hindi yan ang sinabi ng tito mo sakin."

"Ok fine. I left tito with no choice. I ask him to withdraw my school records." Pag amin ko.

"Tsk, bata ka." Palatak ni daddy.

"Dad I'm already enrolled here but not Business Management or Law na gusto ni mommy. I took BS in Architecture." Dinig ko ang pagsinghap ni mommy.

I have done a research dad and I assure you maganda ang school na pinapasukan ko but it doesn't mean that the university you and mom likes is not good. The truth is, dad I can't see myself being in business like you and mom or a lawyer but don't worry dad, I'll be fine." Paliwanag ko habang pigil ang aking paghinga. Pinagpapawisan ako sa kaba sa takot kay daddy.

"Anong university yan Rizze Grizelda?" I'm dead buong pangalan ko na? Galit na talaga si daddy.

"Sorry dad but I can't tell you now. Please trust me this time and I promise pag balik ko I will have my diploma and I will make sure na nasa top ako dad."

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now