TPG LXIX

26.2K 521 31
                                    

"AHHHHH! SEAN ANG SAKIIIIIT!"

"More, Mrs. Gates. Konti nalang"

Bumabaon na ang kuko ko sa kamay ni Sean pero wala akong naririnig sa kanya na reklamo. Kalmado syang tignan kahit pinagpapawisan sya at medyo maputla.

Ilang beses nyang hinalikan ang kamay at noo ko habang pabalik-balik ang tingin sakin at sa doktor na nagpapaanak sa akin. Hinanda ko na ang sarili kong magiging masakit 'to pero hindi ko inakalang magiging ganito kasakit. Parang gusto ko nalang bigla mahimatay.

"Matagal pa ba 'yan? Baka mapaano ang asawa ko!"

"Calm down, Mr. Gates. Normal sa nanganganak yan. Konti pa, Mrs. Gates. Nakikita ko na ang ulo ng bata"

"Ahhhhhh! Ayoko naaaaaa!"

Isang malakas na iyak ang nagpangiti sakin kahit nakakaramdam pa 'ko ng matinding sakit. Bumaling ulit sakin ang doktor matapos asikasuhin ang una kong anak.

"Konting ire pa, misis. Heto na"

"Ahhhhhhh! Seaaaan! Ahhhhh!"

Agad na bumagsak ang katawan ko nang mailabas ko ang pangalawa naming anak. Masakit pa rin at ramdam na ramdam ko ang pagod dahil sa panganganak. Gusto kong makita ang kambal ko. Gusto ko silang buhatin at halikan pero hindi ko na talaga kaya. Pagod na pagod na 'ko at babagsak na talaga ang mga mata ko.

"Wife! Damn!"

ISANG mahinang usapan ang gumising sakin. Nararamdaman ko pa rin ang panghihina ng katawan ko pero nagawa ko pa ring imulat ang mga mata ko.

"Sean" agad syang bumaling sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at mahahalata ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Wife. Are you okay? Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba? Should I call your doctor? How about--"

"I'm fine. Asan ang mga anak ko?" Namamaos ang boses ko. Dahil siguro sa pagod pero wala na 'ko pakialam.

Gusto kong makita ang kambal ko. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko kahit hindi ko pa naman sila nakikita. Ganito nga siguro talaga kapag isa ka nga ina.

"Dadalhin na daw sila dito. I'm so excited!" Tipid akong ngumiti kay Liza.

Kinamusta nilang lahat ang pakiramdam ko. Panay ang tanong nila ng kung ano-ano lalo na sa panganganak ko. Tumigil lang sila dahil kay Sean. Napansin ata nya na pagod pa 'ko.

"Andyan na po ang babies!" Tumalon talon pa si Violet para lang makita ang kambal ko.

Agad na kinuha ni Sean ang mga bata na parang ayaw nya itong ipahawak sa hindi nya kilala. Maingat nyang inilapag sa tabi ko ang mga bata.

Hindi ko alam kung bakit nagtuluan ang mga luha ko habang nakangiti ako. Parang biglang nawala ang pagod ko at parang nakalimutan ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa pagbubuntis. Kahit ngayon ko palang sila nakita, nararamdaman ko na agad na mahal na mahal ko sila.

"I'm so proud of you" nagtutuluan pa rin ang mga luha ko nang tingalain ko si dad. Nanunubig ang mga mata nya habang nakatingin sa amin ng mga anak ko.

"Natutuwa akong napalaki kita ng maayos at sigurado akong magiging mabuti kang ina sa mga anak mo. Sigurado ako don"

"Thank you dad. I love you"

"Mas mahal kita anak. Mahal na mahal"

Ngumiti ako at binalik ko ang atensyon ko sa kambal ko. Lumapit din sa amin si Sean at hinawakan ang maliit na kamay ng isa naming anak habang ako sa isa. Bigla nalang kaming nagkatinginan at nagngitian.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon