TPG XXVI

31.1K 885 67
                                    

Don't forget to vote and comment

******************************

Habang palapit ng palapit ang reunion, mas lalo akong nagiging busy sa dami ng aasikasuhin. Dinadala ko na nga dito sa school ang mga ginagawa ko dun eh para lang mabawasan.

Pero alam ko naman na worth it lahat ng pagod ko. Isang beses lang 'to mangyare sa isang taon kaya dapat talaga pinaghahandaan ng husto.

"Ano ka ba! Mas busy ka pa ata sa daddy mo"

Hindi ko pinansin si Cedric. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko sa laptop ko. Next week na ang Reunion kaya dapat ready na lahat.

Parang nagkaproblema pa sa venue kaya pupuntahan ko 'yun mamaya para makipag-usap.

Actually hindi naman ito kasama sa part ko eh pero nung minsang nag-uusap kami ng mga kamag-anak ko, napagtripan na ako na daw ang mag-asikaso tutal naman daw nakakuha ako ng malaking isa (si Sean ang tinutukoy nila)

Hindi naman ako maka-hindi dahil pati ang mga seniors ay nakisama. Hindi ko nga makita kung anong konek non? Pero natutuwa ako na ako ang pinagkatiwalaan nila dahil ako ang pinakabatang humawak ng ganitong kalaking responsibility sa reunion namin.

Alam ko, naming lahat na binibigay lang nila ito sa mga pinagkakatiwalaan nila.

"Huy! Kumain ka naman muna" para talagang laging nag-eeskandalo ang boses ni Liza. Tss.

"Oo nga" wow! For the very first time, nagkasundo sila ni Einstein.

Hindi ko pa rin sila pinapansin. Alam ko naman na naiintindihan nila eh.

"Hays! Ang ganda na sana ng araw ko kung hindi ko sya nakita!" Saka ko lang naihawalay ang mata ko sa laptop at napatingin kay Nathalie na nasa kabilang table.

Hindi ako tanga para hindi malaman na ako ang pinaparinggan nya.

Ewan ko ba sa babaeng 'yan. Ilang linggo na rin akong bwinibwisit nyan. Konti nalang talaga at bibingo na yan sakin.

"Hoy! Pinsan mo nagsisimula nanaman" yamot na sabi ni Liza kay Cedric.

Hindi umimik si Cedric. Hindi nya talaga kasi pinapatulan yan kahit sumusobra na dahil alam ni Nathalie ang sekreto ni Cedric na ginagamit naman ni Nathalie bilang panakot kay Cedric.

"Wag nyo nalang patulan" mahinang sabi ni Joseph na busy din sa pags-sketch.

Bumalik ako sa pagta-type sa laptop ko. Sinave ko na muna sa flashdrive bago ko chineck ulit.

"Akala mo kung sinong banal, malandi din naman" hindi ko pa rin sya pinansin.

Naghahanap talaga ng away ang babaeng ito. Kinagaganda nya ba 'yun? Ang alam ko naman ay mababait ang magulang nya kaya pinagtataka ko kung bakit lumaking ganyan yan.

Mabait naman noon yan. Madalas nga syang ngumiti at bumati sakin noon kahit hindi ko naman sya kilala. Gustong gusto nya pang makipag-kaibigan sakin pero nagbago ang lahat nung nalaman nya na bestfriend ko si Cedric.

Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit nya sa pinsan nya.

"Naku! Ang sarap nyang kalbuhin" nanggigigil na sabi ni Liza. Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin.

Hanggang salita lang naman si Nathalie kaya pwede pang pagpasensyahan. Kahit kumukulo na ang dugo ko sa kanya, hindi ko sya papatulan. Pasok nalang sa tenga at labas sa kabila. Ganun kasimple.

Naramdaman ko ang pagtayo nina Nathalie kasama ang mga kaibigan nya pero...

"Oppps. Sorry" napalayo agad ako sa laptop ko dahil nabuhu-binuhusan nya ng tubig.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now