TPG XLVII

24.1K 639 83
                                    

Mga marahang haplos ang nakapagpagising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko para makita kung sino ang taong ito. Nasilaw ang mata ko dahil sa liwanag na nagmumula sa labas. Mukang nakalimutan kong isara ang sliding door sa terrace na kwarto na 'to. Nang masanay ang aking mata sa liwanag, tinitigan ko ang lalaking hindi manlang tumigil sa paghaplos sa pisngi ko kahit alam nyang gising na 'ko.

"Black"

"Good morning"

"You're back" kahit bagong gising , hindi naitago sa boses ko ang sobrang excitement.

"I am" gusto ko na talagang tanggalin ang mask nya para makita ko kung paano sya napangiti.

Umupo ako sa kama para magkapantay kami. Hindi ako makaramdam ng pagkailang kahit na malapit kami sa isa't-isa.

"Sorry for waking you up"

"Okay lang. Mukang tanghali na rin naman" sabay kaming tumingin sa labas.

"You look tired. Pagod sa training?" Tumango ako at hindi napigilang pagmasdan sya.

Pilit ko pa ring iniisip kung kilala ko nga ba sya. Gusto kong malaman kahit kalhati lang sa pagkatao nya pero mukang wala akong makukuhang sagot sa mga tanong ko. Napapaisip din kasi ako minsan kung dapat ko nga ba syang pagkatiwalaan pero sa tuwing pinapakiramdaman ko ang sarili ko, wala akong nakakapa kahit kaunting pagdududa.

Maraming gumugulo sa isip ko. Katulad nalang ng, kung bakit gusto nya 'kong palayuin kay Sean? Ibigsabihin may nalalaman sya kay Sean at hindi na 'ko magtataka kung kilala din sya ni Sean. Nakikita ko sa mga tingin nya kay Sean ang galit pero dahil sakin, nagagawa nyang magtagal na kasama ito. Gusto kong magtanong kung bakit nya ba 'to ginagawa, kung anong papel nya sa buhay ko at kung ano ba 'ko sa buhay nya.

Pero sarili ko na rin ang pumipigil sakin na kulitin sya. Gusto kong irespeto ang desisyon nya at makuntento nalang sa kung anong alam ko ngayon....kung may alam nga ba 'ko.

"Kailangan ko na uling umalis. Binisita lang talaga kita" inabutan nya 'ko ng pulang rosas na agad kong tinanggap.

Hindi ko na sya pinigilan nang pumunta sya sa terrace at walang takot na tumalon dito. Hindi ko na rin sya sinundan para silipin. Dumiretso nalang ako sa banyo at naligo.

Habang naliligo, hindi ko pa rin mabura ang laman ng utak ko. Nakakaramdam ako ng iba't-ibang emosyon at hindi ko matukoy kung ano ang lamang sa mga ito. Naghalo-halo ang mga tao sa isip ko at hindi ko rin alam kung sino ang dapat kong unahing isipin. Si dad, si Sean at si Black. Sila ang laging natitira sa utak ko. Gusto kong mag-focus sa pagligtas kay dad pero hindi nakikisama ang utak ko.

Pagkatapos maligo, magbihis at mag-ayos, dumiretso na 'ko sa baba. Naabutan ko silang pito na nasa kusina at seryosong nag-uusap. Dahil sa sobrang seryoso nila, hindi manlang nila naramdaman ang presensya ko.

"Boss, delikado ang papasukin natin. Buong bayan na ang mga teroristang 'yan. Bakit isasama pa natin si George?" Agad na kumunot ang noo ko.

They are talking about me

"I know, Zham. I know"

"Tama si Zham, boss. Iwan nalang natin si George. Baka mapahamak pa sya" nakaramdam ako ng inis sa narinig ko kay Liam. Kung iiwan din naman nila ako, bakit pa nila 'ko hinayaang magtraining ng halos isang buwan? Pinagmuka lang nila akong tanga.

"Do you think I will let that happen? I'm thinking her safety more than you do but I trust her. I trust her and her ability and besides, I'll be there to protect her no matter what happen. I understand her desire to save her father and I don't want to hurt her by leaving her here"

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now