TPG XXVIII

30.1K 693 53
                                    

Kinabukasan....

"Hija? Apo bangon na"

Pati ba naman sa panaginip ko bibisitahin ako ng mga lola ko? 

Wala namang balon dito para utusan sina Sean mag-igib eh.

"Hija. Bangon na" boses naman ni lola Asuncion ngayon.

Namimiss ko na sila pero mas lalo ko lang silang mamimiss kapag ganitong napapanaginipan ko pa sila.

"Puyat ata eh. May tinapos daw na painting ito kagabi"

"Masyado naman atang pinapagod ng apo natin ang sarili nya? Hindi porket walang pasok ngayon ay magpupuyat na sya"

Teka...

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ilang beses akong pumikit saka nagmulat ulit.

Sinubukan ko pang kurutin ang balat ko at naramdaman ko ang sakit. Ibigsabihin....

Hindi ako nananaginip!

"Lolaaaaa!"

Hindi ko alam kung paano nagkasya sa braso ko sina lola Rowena, lola Asuncion at lola Cecelia basta ang alam ko lang ay masaya ako na nakikita ko sila ngayon dito.

Lumuhod ako sa kama ko at himarap sa kanila para kahit papano ay magpantay kami.

"What are you doing here po?"

"Malapit na ang reunion so we decided to stay here to be with our favorite apo" nakangiting sagot ni lola Rowena.

Ngumiti naman ako pero bigla akong napatakip sa bibig nang may maalala ako. Bumaba ako sa kama at maingat ko silang itinulak palabas ng kwarto.

"Lola naman eh. Hindi pa nga pala ako nakakapagtoothbrush"

"Hahaha so what? Mabango- okay okay. Lalabas na kami"

Mabilis akong tumakbo papasok sa CR at nag-ayos. Naligo na rin ako at nagpalit.

Pinapatuyo ko ang buhok ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

May mga messages akong natanggap pero isa lang ang binuksan ko.

From: Sean

Good morning, wife.

Wala sa sariling napangiti ako kahit araw araw nya naman akong binabati ng ganito. I appreciate his efforts. Alam ko kasi na hindi talaga mahilig magtext si Sean.

I was about to reply him when his name flashed on my phone's screen.

"Good morning"

("Good morning") natigilan bigla ako ng marinig ko ang boses nya.

Kakagising nya lang? Bakit ang gwapo ng boses nito?

("Kumain ka na?")

"Hindi pa eh. Kakaligo ko lang. By the way, andito sina lola. Gusto mo bang pumunta dito?"

("That's a good idea unless you have a secret well there") I chuckled.

Sa dami ng pinagawa sa kanila ng mga lola ko, ang pag-igib talaga ang hindi nila makalimutan.

("Just kidding. I'll check my schedule first") parang biglang bumagsak ang mga balikat ko.

Nagkita naman kami kagabi pero parang laging kulang eh. Laging bitin.

Maya't-maya ko sya gustong kasama.

"I-I see... uhmm. See you when I see you then"

Ayokong maging clingy dahil baka masakal sya pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Akala ko sa simula lang ako ganito pero habang tumatagal, mas lalo lang atang lumalala ang tama ko sa lalakeng 'to.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now