TPG XLII

24.4K 528 55
                                    

"Get in. Pupuntahin natin sila" hindi na 'ko nagreklamo pa. Sumunod agad ako sa utos ni Sean.

Ang kaligtasan lang ni dad ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Yun lang at wala ng iba. Naghalo-halo ang mga emosyon na nararamdaman ko. Natatakot ako, kinakabahan, nagagalit at higit sa lahat ay nag-aalala.

Wala pa 'ko sa mundo ay nasa pulitika na si daddy pero ngayon lang nangyare ito. Walang masamang tao ang nakagawang lumapit noon kay dad kaya hindi ako makapaniwalang nangyayare ang bagay na 'to.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyayare sa amin ito lalo na sa daddy ko. Mabait na tao ang daddy ko at wala syang inargabyadong tao. Saksi ako kung paano sya tumulong para ayusin ang bansang ito pero bakit ito pa ang igaganti sa kanya? Inintindi ko ang mga oras, araw, linggo at buwan na hindi ko sya nakakasama dahil alam ko na para sa Pilipinas ang mga ginagawa nya. Binibigay nya ang lahat at ginagawa nya ang kaya nya na higit pa sa inaasahan sa kanya kaya hindi ko maintindihan kung bakit nangyayare sa kanya ito?

Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding galit at hindi ko alam ang magagawa ko kapag may nangyareng hindi maganda kay dad. Natatakot ako na baka makalimutan ko ang lahat ng tinuro sakin na mga kabutihan at makagawa ako ng masama sa mga taong nasa likod ng mga ito.

Subukan nyong galawin ang ama ko, ako mismo ang maglilibing sa inyo ng buhay

Napatingin ako kay Sean ng hawakan nya ang nakakuyom kong kamay. Dapat ay agawin ko ang kamay ko pero hindi ko ginawa. Kumalma ako sa ginawa nya. Hindi man nabawasan ang pag-aalala at galit ko pero kahit papaano ay napanatag ang loob ko dahil alam kong nandyan sya. Alam kong sa kabila ng mga nangyare ay hindi nya 'ko pababayaan at ang pamilya ko.

Makalipas ang halos kalahating oras, narating namin ang lugar kung saan tinambangan ang daddy ko. May mga pulis na nagkalat at nag-iimbestiga. Andun pa rin ang katawan ng mga bodyguards ng daddy ko na wala ng buhay at may mga katawan din ng ilang tao na hindi ko namumukaan.

Lumapit agad ako sa kotse ni dad. Sinubukan akong pigilan ng mga pulis pero malakas ko silang tinulak kaya wala na rin silang nagawa.

"Wheres my dad!" Umiiyak na sigaw ko.

Ang head ng bodyguards ni dad at ang driver lang ang natira. Nandun pa rin sila at ginagamot. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dinakma ko ang kwelyo ng head ng bodyguards ni daddy at galit na hinarap ito.

"Where's my dad! It's your job to protect him!" Pinigilan ako ng mga pulis. Sinubukan nila akong pakalmahin pero walang nagbago sa nararamdaman ko.

"Ma'am, kalma lang po" hinarap ko ang pulis at tinignan sya ng masama.

"Kalma?! Paano ako kakalma kung wala nanaman kayong nagawa! Lagi nalang kayong dumadating kung kelan tapos na!"

"Ma'am 'wag naman pong ganyan. Ginagawa po namin ang trabaho namin"

"Ginagawa?! Asan ang daddy ko kung ganun?! Bakit hindi nyo sya nailigtas?! Bakit ngayon lang kayo kung kelan marami na ang namatay at nakuha na ang daddy ko na walang ibang ginawa kundi paglingkuran ang bansang 'to! Paano mo nasasabi saking kumalma, ha? Wala ang dad ko at walang nakakaalam kung anong ginagawa sa kanya ng mga hayop na 'yun ngayon!"

Hindi sila nakasagot. Tinignan ko silang lahat pero nakayuko sila at hindi alam kung ano ang isasagot sa akin. Mas lalo lang umusbong ang galit sa dibdib ko pero minabuti kong 'wag nalang magsalita. Mariin akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko pero wala talagang nagbabago.

Hindi ko kakayanin 'pag may nangyareng hindi maganda kay dad. Baka gumuho ang mundo ko at ikamatay ko. Si dad ang pinakamahalagang tao sa buhay ko at hindi ko alam kung paano itutuloy ang buhay ko kapag sya naman ang nawala.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now