TPG XIII

40.1K 1.1K 80
                                    

Author: Sunday ang next update.

Votes and comments please

PoV ni George 'to

********************

Nakaakbay sakin si Sean ng pumunta kami sa kusina para kumain.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Para bang pinaramdam nya sakin na kahit makahanap ako ng isang libong dahilan para humanap sya ng iba, may dahilan sya na ako at ako lang para sa kanya. At kahit anong gawin ko, hinding hindi mananalo ang mga dahilan ko sa kanya.

Akala ko noon ang malas malas ko dahil dumating sya but now I realized that I'm so lucky that he loves me.

"K-kumain na kayong dalawa" I should be shocked dahil hindi tinarayan ni lola Asuncion si Sean. Si lola Cecelia naman ay tahimik lang na kumakain.

I gave lola Wena questioning look pero nagkibit balikat lang sya pero nakangiti sya.

"Lola, pwede po ba akong sumama kina Sean mamaya?" Paalam ko. Gusto kong nandun ako.

"Ikaw ang bahala" nagkatinginan kami ni Einstein. Pareho kaming nagtataka kung bakit hindi manlang umangal si lola Cecelia sa gusto ko.

Pero ayos din 'yun dahil pabor sakin.

"Ikaw Liza? Hindi ka ba sasama sa mga pinsan mo?" mahinahong tanong ni lola Wena kay Liza na tahimik lang na kumakain.

Naninibago nga ako kay Liza eh. Parang ang tahimik nya simula ng pumunta kami dito but I think there's something with Red.

"Ayoko po"

"Maiiwan ka dito mag-isa Liza. Sasamahan ni Einstein si George" bumusangot ang muka ni Liza kaya sinipa ko ang paa nya. Alam naman nya na magagalit ang mga lola namin sa inaasal nya.

"Sasama na po" nahuli ko ang pasimpleng pag-irap ni Liza kay Red. I smell something fishy.

"Ang sarap nito" papuri ni Red sa isa sa mga niluto ko.

"Anong masarap eh pritong manok lang yan" mataray na sagot ni Liza. Bakit ba ang init ng ulo ni Liza kay Red? May alitan ba ang dalawang ito?

"Sungit. Malasa kaya"

"Inadobo kasi muna ni George ang manok sa sarili nyang timpla bago nya prinito" singit ni lola Wena ng maramdaman nya na parang nagkakainitan na sina Liza at Red.

"Sean, try this" nilagyan ko ng boneless bangus ang plato ni Sean. Binabad ni lola Asuncion yun sa timplang kami lang ang nakakaalam bago nya prinito.

"This is good" napangiti ako ng makita kong nasasarapan talaga sya. Sumulyap ako kay lola Asuncion at nakita ko ang pamumula nya.

Isa sa kahinaan ng mga lola ko ay purihin ang mga niluto nila kahit hindi alam ng pumuri na sila ang nagluto.

"It tastes good. Malasa pero tama lang at hindi nakakasawa" mas lalo pang namula si lola Asuncion lalo na ng kumuha pa si Sean ng boneless bangus.

Mukang unti-unti ng lumalambot ang mga lola ko.

Pagkatapos naming kumain, tinulungan ako ni Einstein sa pagliligpit. Hindi kasi talaga marunong si Liza sa mga ganitong bagay.

"Tingin mo lalambot ang mga lola natin kay Sean?" biglang tanong ni Einstein habang tinatanggal nya ang mga natirang pagkain sa mga pinggan.

"Ewan ko but he's working hard"

"May nararamdaman ka na ba sa kanya?" napatigil ako sa pagpunas ng lamesa.

Iniiwasan ko kasing itanong sa sarili ko yan. Ayokong pilitin ang sarili kong mahalin sya. Gusto kong kusa kong maramdaman yun.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now