TPG XXXV

27.2K 652 12
                                    

Heeeey! I just want to share something. Nag-message ang wattysPH and out of 12 877, pasok sa top 450 ang story/stories ko. Kasama na sya sa wattys2018 longlist. Just sharing haha!

By the way, wala pa kong final decision kung hanggang ilang chapter ito but one thing is for sure, gagawa ako ng book 2. Masyado kasing hahaba kung isasama ko lahat ng plano ko sa book 1 pero baka umabot ng 50 chapters or more ang book 1.

******************************

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako kahit hindi naman ito ang unang beses na magkaroon kami ng reunion. Okay namam na ang lahat pero nakakaramdam talaga ako ng kaba.

Siguro dahil ako ang nag-asikaso ng reunion namin ngayon. Kinakabahan siguro ako kung anong kalalabasan ng gabing ito. O baka dahil ito ang unang beses na isasama ko si Sean sa reunion namin at ipapakilala sa buong angkan ko.

Ewan ko pero kinakabahan talaga ako!

Napigil ang pagbuntong hininga ko dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Nakaalis na ang make-up artist na pinadala ni tita Ysabelle kaya naiwan nanaman akong mag-isa sa kwarto ko.

"Apo? Andito na ang nobyo mo. Mauuna na kami ng mga lola at daddy mo sa venue ha?"

"Sige po, la. Mag-iingat po kayo"

"Kayo din, apo" mula sa kinauupuan ko, narinig ko ang mahinang tunog ng sapatos ni lola Asuncion.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago tumayo. Nakaharap pa rin ako sa salamin at nakatingin pa rin sa sarili kong repleksyon.

Ngayon ko lang napansin na dalagang dalaga na pala talaga ang itsura ko. Malayo sa itsura ko noon na inosenteng inosente at parang walang alam sa mundo. Noon kasi, painting at pag-aasikaso lang kay dad ang ginagawa ko pero ngayon, parang pasan ko na ang mundo sa sunod-sunod na problema.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kinuha ko ang pouch ko at bumaba. Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko ng makita ko silang pito. Ang gagwapo nilang pito sa suot nila. Hindi na ko magugulat kung paglaguluhan sila ng mga pinsan ko dahil sa ayos nila.

Bigla kong naalala ang tanong sakin noon na kung posible bang may magustuhan ako sa kanilang anim kung wala si Sean. Alam ko sa sarili ko na talagang magugustuhan ko sila pero hindi ko alam kung magugustuhan ko ba sila kung paano ko nagustuhan si Sean.

Kahit wala si Sean, kahit hindi ko sya nakilala, mukang hindi ko mararamdaman kahit kanino ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi mabibigay sakin ng kahit sinong lalake ang kakaibang epekto na binibigay sakin ni Sean ngayon.

Aish! Bakit ko ba iniisip 'to?!

"Woah, woah! Ang ganda mo, George" isang ngiti ang sinagot ko kay Zham at ganun din sa iba bago ko pinako ang pangin ko kay Sean.

Bakit ba may ganitong kagwapong nilalang? Dadami nanaman ang mga karibal ko eh

"Ang pogi ata ng asawa ko?" Nakangiti kong sabi habang inaayos ko ang necktie nya pero naramdaman ko na natigilan silang lahat.

At ako din... hindi ko din inaasahan na sasabihin ko 'yun

Asawa ko....

"Ah...eh... t-tara na?" Naunang umalis 'yung anim.

Hindi naman umalis si Sean sa kinatatayuan nya. Nanatili syang nakatayo sa harap ko at kahit hindi ko sya tignan, alam kong nakangiti sya sakin ngayon.

"Ulitin mo"

"Ha?" Alam ko ang tinutukoy nya, ayoko lang aminin. Aish! Bibig ko kasi eh!

"Ulitin mo 'yung sinabi mo"

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now