TPG LXII

22.9K 501 37
                                    

Napangiti si George nang makita nya ang mga pinsan nya. Nakangiti din ang mga ito sa kanya at mukang kanina pa naghihintay.

"Hi" nakangiting bati nya sa mga ito

Mamaya na ang flight nya papunta sa Spain kaya naisipan nya na makipagkita sa mga pinsan nya bago umalis. Balak nya sanang puntahan si Cedric para makapagpaalam ng ayos dito pero nalaman nya sa sekretarya nito na kasalakuyan itong nasa Paris at may mga mahahalagang inaasikaso.

Umupo sya sa tabi ni Liza, kaharap si Einstein

"Tuloy na tuloy na pala talaga ang alis mo" it was an statement from her cousin, Einstein.

Nakangiti ito sa kanya pero sino ba ang maloloko nito? Mula paglabata ay magkakasama na sila kaya alam nya kung kailan peke at totoo ang ngiti ni Einstein.

"Yeah. I just need time. Hindi na biro ang mga pinagdadaanan namin kaya kailangan ko ng matalinong pagdesisyon. Lalo na ngayon, months from now, magiging mommy na 'ko"

Napahawak agad sya sa tiyan na. Hindi pa rin halata ang bukol nito na kinaiinis nya minsan. Hindi nga nya maintindihan ang sarili dahil dapat matuwa pa sya na hindi pa lumalaki ang tiyan nya. Hindi pa halata na buntis sya.

"Paano ang asawa--ang ibig kong sabihin ay, paano si Sean?"

"All I need is time and space? Liza. Mahal na mahal ko si Sean pero naniniwala ako na para rin sa amin 'to. Babalikan ko sya kapag handa na 'ko"

"At sa tingin mo kapag handa ka na, may babalikan ka pa?" Natigilan si George sa sinabi ni Einstein.

May tiwala sya kay Sean pero parang kutsilyong tumusok sa dibdib nya ang mga sinabi ng sarili nyang pinsan. Mali ba talaga ang pinili nyang desisyon? Mali ba na pinili nyang hanapin muna ang nawala sa kanya?

"Alam kong mahal ka nya, mahal na mahal pero tao lang din 'yun, George. Marunong mapagod at marunong sumuko. Kung ngayon nga na kinaya nyang hindi magpakita sayo sa loob ng mahigit isang linggo, ano pa kaya sa susunod?"

Hindi maiwasan ng dalagang mainis sa sarili nyang pinsan. Maaring matagal na ang sunod nilang pagkikita pero mas inuuna pa nitong sermonan sya. Sinusubukan ba nitong pigilan sya? Hindi nya alam. Pero walang makakapigil sa kanya dahil buo na ang plano nya at matagal nya itong pinag-isipan.

Gusto nyang ibahin ang usapan pero hindi nya alam kung paano. Nawala na rin sya sa mood dahil sa mga sinabi ni Einstein. Hindi naman sya ganun kamanhid para hindi pumasok sa isip nya ang mga sinabi nito pero masyadong malaki ang tiwala nya kay Sean. Nagawa sya nitong hintayin noon sa napakatagal na panahon, ngayon pa ba nya ito hindi magagawa? Ngayon pa na magkakaanak na sila?

"Ehem. Uhm...kamusta nga pala 'yung binuksan mong art gallery?" Thanks to Liza, nabago ang usapan at kahit papano, nawala ang inis nya.

Isang oras lang ang nakalaan nya para kausapin ang mga pinsan nya at katulad ng inaasahan nya, mabilis na natapos ang isang oras. Kinailangan nya ng bumalik sa bahay para muling i-check ang mga gamit na dadalhin nya sa Spain.

Bago sya umalis sa restaurant kung saan sila nagkita, sinubukan pa syang kumbinsihin ng mga pinsan na manatili nalang sa Pilipinas pero buo na talaga ang desisyon nya. Hindi nya 'to ginagawa para lang sa sarili nya kaya wala syang dapat ipangamba.

Pinilit din sya ng mga pinsan nya na hayaan silang ihatid sya sa airport pero hindi sya pumayag. Alam nyang abala ang mga ito sa kanya-kanyang buhay at ayaw nyang umiyak bago umalis.

Habang nagmamaneho pabalik sa bahay, nakaramdam nanaman sya ng pagkahilo at papanakit ng tiyan na hindi na bago sa kanya. Naramdaman nya rin ito noong paalis na sya sa kompanya pagkatapos magpaalam sa mga empleyado. Iniisip nalang nya na parte ito ng pagbubuntis.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now