TPG XXIV

31.3K 767 54
                                    

"I love you... so much"

Ramdam ko na natigilan nya sya sinabi ko.  Humiwalay sya sakin sa pagkakayakap at tinignan ako sa mga mata.

Bakit ganito ang reaksyon nya? Hindi naman ito ang unang beses na sinabi kong mahal ko sya.

"What's happening to you?"

"Yan na ba ang bagong I love you too?" Natatawang sagot ko.

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko nalang nasabi 'yun.

Siguro dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko. Bawat araw na dumadaan, mas lumalalim ang nararamdaman ko kay Sean.

Sa kanya ako nakaramdam ng mga bagay na hindi ko kailanman inakala na mararamdaman ko para sa isang tao.

Nakuntento ako noon sa pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ko. Nakuntento ako na sila lang ang mahal ko pero ngayon...kakaiba.

Isang malalim na emosyon ang gusto laging kumawala sa tuwing kasama ko si Sean. Lumalabas ang mga ugali na hindi ko akalain na meron pala ako.

"I love you so damn much. You know that? Don't you?"

"Ehem" sabay kaming napatingin ni Sean sa mga tauhan nya.

Ngayon nalang ulit namin naalala na may mga tao pala sa paligid namin.

Hinawakan ni Sean ang kamay ko at hinila ako paalis ng basement.

"BOSS PANO TO?"

"Do whatever you want" hindi ko alam kung narinig nila ang sinabi ni Sean pero natutuwa ako.

Kanina, ng makita ko syang dinudumihan ang sarili nyang kamay dahil sa mga walang kwentang yun, nakaramdam ako ng kakaiba.

Hindi ko matukoy kung ano ba ang negatibong emosyon na yun pero isa lang ang alam ko, na hindi sang-ayon ang kalooban ko kapag nakikita kong ganun si Sean.

"San tayo pupunta?"

"Napahaba ang tulog mo. Hindi ka pa kumakain" napanguso ako.

Akala ko naman kung saan nya na ako dadalhin eh. Sa kusina lang pala.

"Sean ayokong magluto"

"Who told you that you will cook?" Nakangiti nyang tanong.

Pinaupo nya ko sa isang tabi at nagsuot sya ng apron. Kinindatan nya pa ko bago kumuha ng ingredients sa lulutuin nya.

"You want lasagna or pasta?"

Nakaramdam ako bigla ng gutom. Buti nalang hindi nag-ingay ang tiyan ko.

"Pwedeng both" he chuckled.

Lumapit sya sakin at kinuha ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Hinalikan nya ang likod ng kamay ko.

"Sure, my love" natatawa ko syang sinampal ng mahina.

Ang daming pakulo eh. Pwede namang magluto nalang ng walang sinasabi.

Habang nagluluto sya, hindi ko naiwasang mapatitig sa kanyang kabuuan.

Bakit ganito kaperpekto ang anyo nito?

Kahit kumpleto naman ang suot nya, bakas na bakas dito ang ganda ng katawan nya. Ang braso, mga binti at ang *lunok*  abs nya.

Hindi ko na maalala kung saan at paano ko nakita ang abs nya pero parang kanina ko lang 'yun nakita dahil malinaw na malinaw pa ang imahe nito sa isip ko.

Kahit kailan, hindi ako naging interesado sa katawan ng kahit sino pero... yung kay Sean kasi...

Hindi naman sa minamanyak ko si Sean ha! Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na mapahanga sa kanya

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now