TPG V

53.8K 1.3K 145
                                    

Kanina ko pa tinitignan ang mga mata ni Sean na ipininta ko. Hindi ko alam kung bakit hinahanap-hanap ko 'to.

Ilang araw ko na rin syang pinagtataguan at hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagumpay sa pagtatago sa kanya.

Gusto ko ng ibalik sa dati ang buhay ko. Yung walang Sean at ang anim nyang kasama. Yung walang magseselos kapag nakikipag-usap ako sa mga lalake. Aaminin ko na natakot ako sa kanya simula ng malaman ko na isa syang gangster.

"Ayaw mo ba talagang tulungan kita?" Kanina pa ko kinukulit ni Joseph. Humingi kasi ako ng extra works sa mga professors namin para hindi mahila pababa ang grades ko kapag umabsent ako.

Every year ko 'tong ginagawa para makabisita ako sa lola ko.
"Joseph, okay nga lang ako. Ako ang makakapag-bakasyon kaya dapat ako ang humarap ng mga ganito" pinisil ko ang pisngi nya dahil sa bigla nyang pagsimangot.

"Ilang linggo ka nanamang mawawala. Wala nanaman akong makakausap" kinuha nya ang mga gamit ko at sya ang nagdala. Napagpasyahan namin na pumunta sa field ngayon. Hapon na kaya hindi mainit.

"Nakapila ang girls na willing kang kausapin, Joseph" gwapo naman kasi si Joseph kaya maraming naghahabol sa kanyang mga babae. Hindi ko lang alam kung bakit wala syang ibang kinakausap na babae. Sana lang hindi na sya dumagdag sa pederasyon ni Cedric. Susko! Sayang ang lahi.

"Tss. Alam mo namang mahirap na maghanap ng matinong babae ngayon. Lalandiin lang nila ako"natatawa ko pinisil ang pisngi nya. Pareho sila ni Einstein na allergic sa mga babae.

"For sure I will miss your craziness" bumunot ako ng damo sa field at binato sa kanya.

"OA na Joseph ha. Ilang linggo lang naman ako dun"

Matagal ko ng kaibigan si Joseph. Schoolmate ko sya Nong high school ako. Nagkasama kami sa club nung second year high school ako. Nong una sobrang sungit nya at umiiwas sya sa mga babae pero simula nong nagkaroon ng task na kaming dalawa lang ang magkasama ay nagkasundo talaga kami.

Naging kaklase ko din sya sa last two years ko sa high school. Pareho kami ng track na kinuha at simula pa noon alam nya na taon taon akong umaabsent ng Ilang linggo para bumisita sa lola ko at taon taon din syang nagdadrama.

"Sila nanaman" napatingin ako sa tinitignan nya. Ang kaninang nakangiti kong muka ay biglang bumusangot.

Papalapit sa kinauupuan ko sina Red at Liam. Sa pagkakataong ito, alam kong wala akong kawala.

Cool na cool na silang naglalakad. Feel na feel nila ang pagtinginan ng mga babaeng halatang kinikilig sa kanila. Sa Ilang beses na nagpakita sila sa school namin ay naging maugong na ang mga pangalan nila. Sila na ngayon ang bagong pantasya ng kababaihan at ng mga...alam nyo na.

Lalo na si Sean. Mabanggit lang ang pangalan nya parang mababaliw na sa kilig ang mga babae dito at naiinis ako! Mga haliparot. Ipalunok ko sa kanila ang engagement ring ko na binigay no Sean eh.

Wait. Ano bang pakialam ko sa kanila?

"Uhm George-"

"No" putol ko agad sa sasabihin ni Red. Alam ko naman na inutusan sila ni Sean na puntahan ako.

"Gusto ka lang makau-"

"A-yo-ko" sinamaan ko ng tingin si Liam para hindi na makaangal. Bakit nga ba ako magtatago kung pwede ko naman sila hindian?

"Ginugulo ka ba ng mga yun?" tanong ni Joseph pagkaalis nung dalawa. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang nangyayare sa buhay ko.

"Don't mind them. Andyan naman ang bodyguards ko"

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now