TPG XVII

37.2K 1K 112
                                    

Votes and comments please

****************

Tatlong araw pa kaming nanatili sa bahay ng mga lola ko.

Sinulit na namin ang tatlong araw na natitira.

Pagkatapos ng araw na umamin ako kay Sean, mas naging maayos ang lahat maliban sa pagitan namin ni Miko.

Nalaman ko kay Tres ang totoo kung bakit galit na galit si Sean ng araw na yun. Natuklasan nila mula sa ate ni Miko ang balak nitong gawin sakin.

Balak nya kong gawan ng hindi maganda para sirain kami ni Sean. Pinaplano nyang ipadukot ako at...at halayin para mabuntis.

Nagalit ako, syempre. Normal naman na maramdaman ko yun. Hindi ko akalain na maiisip nyang gawin sakin yun pero...

Pero nakaramdam ako ng awa lalo ng ng gabi na inamin nya na binalak nga nya yun.

Umiiyak sya ng gabing yun at paulit-ulit na humingi ng tawad. Mahal na mahal nga nya ko kaya nya naisip ang bagay na 'yun pero kahit saang banda tignan, sya ang mali.

Kung mahal nya ko, hindi nya gagawin o kahit balakin na gumawa ng masama sakin. Sana inisip nya manlang ang ilang taon na pinagsamahan namin.

Mahalaga sakin si Miko pero walang mangyayare kung puro kabaitan ang ipapakita ko sa kanya.

Minsan, hindi lang pagpapatawad ang kailangan ng nagkakasala.

Kailangan muna nilang tanggapin na mali sila, tanggapin ang kapurasahan na kaakibat nito at magbago.

Ang pagpapatawad kasi, minsan madaling ibigay pero ang tiwalang nasira? Mahirap buoin.

Ipagdadasal ko nalang sya sa ngayon.

"Tuloy na tuloy na ba ang kasal hija?" ibang-iba na talaga ang mga lola ko ngayon. Parang tuwang-tuwa sila na ikakasal na ako.

Isang ngiti lang ang sinagot ko. Mahal ko si Sean...pero kasi...hindi ko alam kung handa na ba ako.

"Naiintindihan namin. Matulog ka na hija" lumabas na ang tatlo kong lola sa kwarto ko.

Ilang minuto pagkalabas nila ng kwarto ko, tumayo ako mula sa pagkakahiga at umupo sa tapat ng malaking bintana na nakasarado.

Binuksan ko ito at dumungaw. Mamimiss ko ang hangin dito.

Bukas na kasi ng umaga ang balik namin.

Tumingin ako sa langit. Para nga akong tanga na binibilang ang mga bituin.

Natigil ako sa pagbibilang ng makarinig ako ng may tumutugtog ng gitara.

Automatic akong napatingin sa baba...

At dun ko nakita ang kaisa-isang lalakeng nagpapatibok ng puso ko

May hawak syang gitara habang nakatingin din sa akin.

My heart melted when he smiled. Hindi ko ata kayang hindi makita ang mga ngiting yan.

Binibini sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaginip sa kathang dakila

Teka...tama ba ang iniisip ko? Hinaharana nya ko? Hinaharana ako ng isang Sean Barry Gates?

Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig

O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa'yo

At tagalaog pa?

Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang boses nya.

Parang mahihiya ang mga sikat na singer ngayon dahil sa ganda ng boses nya

The Possessive GangsterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora