TPG LIII

24.7K 563 113
                                    

Someone's PoV

"What are we doing here?" Halata ang kaba kay Natz habang pinapanuod namin ang paglabas ni George at Sean sa building na pag-aari din ni Sean.

Mayaman talaga ang gago

"Relax, Natz. Pinapanuod lang natin ang maliligayang araw nila habang hindi pa tayo gumagawa ng hakbang" sagot ni Dave

Umiling at tinuon ko nalang ang pansin ko kay George. Ilang taon kaming nanahimik. Pagkatapos madukot ng ama nya, mahigit dalawang taon kaming hindi nagparamdam at sa mahigit na dalawang taon na 'yun, lagi ko silang sinusubaybayan. Lalo na si George.

Gustong-gusto ko syang lapitan at ilayo kay Sean. Ang gagong 'yun! Hindi dapat matuloy ang kasal nila. Kung hindi sakin mapupunta si George, mas magandang hindi rin sa kanya mapunta ang mahal ko.

Wala syang magandang maidudulot kay George. Kung mahal talaga nya si George, dapat sa simula palang ay nilayuan na nya ito. Alam nya ang pwedeng mangyare kay George kapag naanakan na nya ito pero napakasarili nya para magdesisyong pakasalan pa rin si George.

"Uno, handa na ba ang lahat? Dalawang linggo nalang, ikakasal na ang dalawang 'yan"

Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa panggigigil. Sa tuwing naaalala ko na ikakasal na sila parang nagliliyab ang kalooban ko sa matinding galit.

"Handa na ang lahat" tumango si Dave at tumingin nalang din sa labas at ganun din ang ginawa ko.

Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa umiiyak si George sa pagkamatay ni Sean. Wala akong pakialam kung masaktan ng todo si George kapag nabura na sa mundo si Sean dahil 'yun din ang makakabuti sa kanya.

Kailan mo ng mawala Sean. Kailangan mo ng mawala sa landas ni George, kuya.

George Smith's PoV

"Violeeeet!" Nasa labas palang kami, rinig na rinig agad namin ang malakas na boses ni Liza. Mukang may ginawa nanamang kalokohan ang dalawang taon nilang anak.

"Liza! Baka mabingi ang bata"

"Tigilan mo 'ko Red ha! Baka ihampas ko sayo ang diaper nyan" naiiling akong pumasok kasabay ni Sean.

Hindi pa rin nagbabago si Red at Liza kahit kasal na sila. Para pa rin silang aso't pusa kahit may anak na.

"Tita mommy! Tito daddy!" Tumakbo papalapit sa amin ni Sean si Violet. Wala itong suot bukod sa diaper.

Umupo naman si Sean at binuhat ang bata. Halatang tuwang tuwa si Violet nang kargahin ni Sean.

"Wife"

"Hmm?"

"I want kids too" natigilan ako. Kung makahingi naman ng bata si Sean parang candy lang ang hinihingi!

"Hindi pa nga tayo kasal eh staka 21 palang ako!"

"So? We're getting married and what's wrong if you're just 21? We can make ba--"

"Sean! May bata" nagpalipat-lipat sa amin ni Sean ang tingin ni Violet. Binuka nya ang mga braso nya para magpakarga sakin.

"Buhat! Buhat" kinuha ko agad si Violet kay Sean at pasimpleng kinurot sya sa tagiliran. Ang lalakeng 'to talaga!

"Couuuuz! Mabuti naman naisipan mong dalawin ang napakaganda mong pinsan"

"Maganda nga, mataba naman" binato ng unan ni Liza si Red.

Hindi na kasi bumalik sa dati ang katawan ni Liza. Noong buntis kasi sya, wala na syang ginawa kundi kumain at parang nasanay na sya. Hanggang ngayon parang naglilihi pa rin sya sa katakawan. Hindi naman sya sobrang taba pero mapapansin mo sa pisngi at mga braso nya ang pinagkaiba ng katawan nya noon sa ngayon.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon