TPG XLV

24.1K 598 105
                                    

Warning: May part na medyo SPG haha

********************

"What the hell are you doing here?!" Mahina pero mababakas ang inis sa boses ni Sean. Ano nanaman kaya 'to?

"Don't be paranoid. I'm not doing anything" Black? Nag-aaway nanaman sila? Ano ba naman ang dalawang 'to! Kailan ba sila magkakasundo

"Get out of her room, now!" Langya, ang agang englishan nito ah

Hindi ko na pinatagal ang pakikinig ko sa usapan nila. Bumangon ako at sinamaan sila pareho ng tingin. Ang aga-aga nilang bwiset! Kulang na kulang ang tulog ko tapos ito pa ang manggigising sakin? Ang sarap na breakfast naman nito,tss.

"Pwede bang sa labas kayo mag-away? Nambubulabog kayo eh" pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero talagang umiinit ang ulo ko eh.

Ikaw ba naman ang kulang sa tulog tapos gigisingin ka sa ganitong paraan?! Sino kaya ang matutuwa?

"Sorry" halos sabay na usal nila. Ilang beses akong huminga ng malalim para mabawasan ang init ng ulo ko.

"Ano bang ginagawa nyong dalawa dito?"

"I was planning to wake you up when I saw this guy. Tss" nakakapanibago ang ugali ngayon ni Sean. Ang bilis uminit ng ulo nya ngayon at talagang nawawala ang control nya sa sarili nya.

"At ikaw Red?" Nagkibit balikat ito.

"Morning" 'yun lang ang sinabi nya bago kami tuluyang iniwan.

"Abnormal" bulong ni Sean pero sapat lang para marinig ko.

"Ikaw? Bakit mo 'ko gigisingin?"

Nakakahangang nabura agad ang inis sa muka nito at napalitan ng ngiti. Dun ko lang napansin ang tray na may pagkain. Maayos ang ayos nito at may bulaklak pa.

"Ano 'yan?" Kunwaring inis ko kahit ang totoo ay gusto ko ng mapangiti

"Breakfast in bed, my love. Pinagluto kita" pinagsalubong ko ang kilay ko kahit ang hirap gawin dahil kanina ko pa gustong ngumiti.

"Ano 'yan? Suhol?"

"Hindi ha! Bawal na ba kitang pagsilbihan" kusa ng lumabas ang mahinang tawa sa bibig ko.

Magaling na talaga syang magtagalog

"Sige na, makakaalis ka na. Kakainin ko nalang 'yan mamaya" hindi ko na sya hinintay magsalita. Pumasok nalang ako sa banyo para maligo.

Mananatili ako sa mansion ni Sean hanggang sa mailigtas namin si dad. Parte 'yun ng napagkasunduan namin. Dito kasi magaganap ang training ko at gusto nya ring masiguro ang kaligtasan ko. Hindi na 'ko tumanggi o nagreklamo dahil kahit saan naman tignan, pabor sakin ang lahat ng ito.

Hindi rin naman problema sakin na makasama si Sean sa iisang bahay dahil aminin ko man o hindi, gusto ko ang nangyayare. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyare at madalas ko 'tong naiisip lalo na kapag nag-aaway kami kaya naisusumbat ko sa kanya. Pero 'yung nararamdaman ko sa kanya, hindi nawala o nabawasan. Nandito pa rin 'yung pagmamahal at wala akong balak pilitin ang sarili ko na alisin 'yun. Bukas naman ako na patawarin sya at tanggapin ulit ng buo pero hindi ngayon. Hindi sa sitwasyong ganito at kailangan nyang paghirapan.

Inabot ako ng mahigit isang oras sa pagligo. Nakalimutan ko ang oras dahil sa pag-iisip at nakatulong sakin ang malamig na tubig para kalmahin ang sarili ko.

Sa banyo na rin ako nagbihis at nagtuyo ng buhok. Kumpleto kasi ng gamit dito kaya hindi na naging problema. Parang alam na alam ni Sean na titira ako dito ng isang buwan.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon