TPG XXII

31.3K 784 41
                                    

Nakatulala sa ako sa picture ni mommy at daddy nung kasal nila.

Ang ganda ganda ni mommy...

Ang saya saya nila sa picture na ito na parang wala ng darating na problema sa kanilang dalawa. Nakatingin silang dalawa sa isa't-isa at kitang kita sa mga mata nila ang matinding pagmamahal sa isa't-isa.

Sadly, I never had a chance to witness that. 

Kinuha ko naman ang picture frame ni mommy. Nasa Paris sya dito at si dad ang kumuha ng litrato.

Hinaplos haplos ko ang frame hanggang sa hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Bakit ba ang unfair ng mundo mom? Bakit...bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan at mayakap ka?"

Kahit anong saya ng tao... kahit gaano kaganda ang mga bagay na nangyayare sa kanya sa kasalukuyan, hindi pa rin tuluyang mabubura ang mga mapapait na alaala kahit matabunan ito ng masasayang pangyayare.

Napaupo ako sa sofa dahil nanlambot nanaman ang mga tuhod ko.

Ang sakit pa rin hanggang ngayon.

Hindi nagkulang si dad. Lahat ay binigay nya para sa akin pero may kulang pa rin eh...kulang pa rin at hindi ko alam kung mapupunan pa ang kulang na 'yun.

"Mom... I'm sorry...I'm really really sorry. Sorry dahil nandito ako at wala ka. Sorry kung nabuhay ako at namatay ka. Sorry sa lahat ng kinailangan mong isakripisyo para sakin. Sorr-"

"Hindi matutuwa ang mommy mo kapag nakita ka nyang ganyan" hindi ako lumingon sa pinanggalingan ni dad.

Pinunasan ko ang mga luha ko pero parang hindi rin nakatulong dahil tuloy-tuloy ito sa pagbuhos.

Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni dad at pag-akbay sa balikat ko.

"Hindi nagdalawang isip ang mommy mo na ikaw ang pillin. Anak hanggang ngayon sarili mo pa rin ang sinisisi mo?"

Sumandal ako sa dibdib ni dad habang yakap yakap ko pa rin ang picture ni mommy.

"Dad..totoo naman eh..kasalanan ko"

"Ilang ulit ko bang sasabihin na wala kang kasalanan?"

"Hindi ko ginusto pero may kasalanan ako. Hindi wala ako, naoperahan sana sya at nabuhay. Dad kasalanan ko..kasalanan ko"

Humarap sakin si dad at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko para tumingin ako sa kanya.

Nakita ko ang pangingilid din ng luha ni dad.

"Sobrang naaawa na ko sayo anak. Tama na. Akala mo ba hindi ko alam na umiiyak ka pa rin sa gabi habang sinisisi mo ang sarili mo? Akala ko...akala ko matatapos din yun pero anak...please tama na. You're hurting yourself in painful way. Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo dahil alam ko na kahit ilang beses na maulit yun ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ng mommy ko"

"Pero sana dad...sana hindi... sana pinili nalang nyang mabuhay.. sana-"

"Shhhh. Stop it anak dahil kahit ako, kahit ako anak ganun din ang gagawin ko. Hindi gumawa ng ganung desisyon ang mommy mo para pagdusahan mo. Masakit... alam kong masakit pero hindi magbibigay ang Diyos ng hindi natin kaya. Tama na ha? Alam ko na kung bibigyan ka ng pagkakataon, ganun din ang gagawin mo tulad ng sa mommy mo"

Yumakap ako kay dad at hinayaan ko lang ang mga luha ko na maubos.

Hindi na siguro mawawala ang sakit pero siguro...siguro kailangan ko nalang tanggapin ang sakit at makasanayan

"Wala akong trabaho ngayon. Gusto mo ba mag-mall?" Parang biglang umurong ang mga luha ko at takang tumingin kay dad.

Saang bansa kayo nakakita na nasa mall ang vice president? I mean para silang celebrity kaya hindi sila pwedeng pumunta sa mga ganung lugar basta basta.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now