TPG LIV

22.6K 496 25
                                    

"George?" Walang pumansin sa nalaglag at nabasag na baso ni Tres. Nanatili silang nakatingin sa akin at gulat na gulat.

"K-kanina ka pa dyan?" Tinignan ko ng masama si Red.

Bumabalik sa isip ko ang itsura ni Liza kanina at ang mga sinabi nya. Kung paano sya nasasaktan at nakikiusap kay Red na mahalin sya pabalik. Nakakainis lang na sa dalawang taon na silang magkasama ni Liza pero hindi nya pa rin nakikita ang halaga ng pinsan ko.

At ngayon...malalaman ko pa na ganito?

"Explain" nilabanan ko ang sarili ko para hindi mautal at para magmukang matapang sa harap nila.

"George, hindi namin--"

"Just explain" matapang na sabi ko kay Liam.

Nagkatinginan silang lahat, nangangapa kung sino ang sasagot at magpapaliwanag sakin. Nakakatawa na kapag bala, hindi nila tinatakbuhan pero sa tanong ko, para silang nagtuturuan.

"Kasama kami ni Sean, George" napatingin kaming lahat kay Zham. Huminga sya ng malalim bago nagpatuloy.

"Kasama nya kami noon pa lalo na noong unti-unti syang nahuhulog sayo. Malas lang na nakita namin ang nakita nya sayo at naramdaman namin kung anong nararamdaman nya sayo"

Kumuha ako ng suporta sa pader para hindi tuluyang mapaupo. Ito palang ang nasasabi nila pero nanghihina na agad ako. Ito palang ang inaamin nila pero parang gusto ko ng mabingi.

"N-ninyo? K-ka-kayong anim?"

"O-oo. George--" itinaas ko ang palad ko para pigilan si Sampson na lumapit.

"Bakit? Bakit ako pa? Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, bakit ako pa?!"

"Hindi din namin 'to ginusto. Mahal ka ni boss at kaming lahat, malaki ang utang na loob namin sa kanya. Pero, pero hindi namin napigilan eh. Nakakatawa lang na hindi na kami nagulat nang malaman namin na pare-pareho pala kaming...may gusto sayo"

Nasapo ko ang noo ko dahil sa narinig ko mula kay Zham. Hindi ko magawang tanggapin ang paliwanag nya. Nahihirapan akong intindihin sila at mas nahihirapan akong tanggapin ang mga sinasabi nila.

Hindi ako nagagalit, hindi ko lang talaga matanggap na lahat sila ay nagkagusto sakin.

"Yung sinabi ni Liza kanina. May kinalaman ba 'to sa panlalamig dati ni Sean sakin noon?"

Nag-iwasan sila ng tingin at dahil dun, nakuha ko ang sagot sa tanong ko. Ito ba ang pader na sinasabi ni Sean? Nakakatawa na sa kabila ng sitwasyon, parang natutuwa pa 'ko sa ginawa ni Sean. Ngayon, napatunayan ko na kung gaano kahalaga ang mga tauhan nya sa kanya kahit na ako ang pinili nya sa huli.

"George, hindi namin sinasadya. Parang awa mo na, 'wag mo kaming iiwasan. Hindi kami gagawa ng bagay na ikakasira nyo ni boss, hinding-hindi. Hayaan mo lang kami na makasama ka...kahit bilang kaibigan"

Ang sakit palang makita si Chris na nagmamakaawa sa akin para lang hindi ko sila layuan. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana hindi totoo.

Hindi ako galit sa kanila pero naaawa ako. Naaawa ako na sa dinami-dami ng babae sa mundo, sakin pa sila nagkagusto. Ako na mapapangasawa ng boss nila.

"I-I have to go"

"George--"

"Please. Kailangan kong mag-isip" pinunasan ko ang mga luha kong tumulo bago patakbong lumabas.

Ilang hakbang nalang ay makakarating na 'ko sa kotse na hiniram ko kay Liza nang may humila sa braso ko at bigla akong hinarap sa kanya.

"Sean"

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now