TPG XLI

24.5K 555 28
                                    

Nakapikit kong sinalubong ang hangin dito sa veranda ng kwarto ko. Tanging ang nightgown ang suot ko at wala ng iba para mabawasan ang lamig na dulot ng hangin. Kung hindi dahil sa wine na iniinom ko, baka gininaw na 'ko.

Napangiti ako ng mapait. Kung ang malakas na ulan at hangin nga, kinaya ko ito pa kaya? Tapos na ang bagyo pero narito pa rin ang malakas na hangin. Pero may lalamig pa kaya kesa sa bumabalot sakin ngayon?

Hindi ako nagtagal sa hospital pero parang 'yun ang pinakamatagal na panahon sa buong buhay ko. Wala akong magawa bukod sa humiga at kumain. Nawawala lang minsan ang bagot ko kapag dumadalaw sina Joseph at Cedric. Maraming baon na kwento si Cedric dahil sa haba ng panahon na hindi kami nagkita.

Sa mga araw na namalagi ako sa hospital, hindi na nagpakita pa si Sean. Alam kong may ginawa si dad pero ang tanging inamin nya lang ay kinausap nya ito. Kung ano man ang napag-usapan nila ay wala na 'kong alam at hindi na rin ako nagtanong pa.

Aaminin kong hinahanap ko sya. May mga pagkakataon na tumatawa ako pero bigla bigla nalang akong matutulala. Hindi ko alam kung paano ako babangon ngayon at kung paano ko babawiin ang dating ako kung binigay ko sa kanya lahat.

Inubos ko ang laman mg wine glass. Gusto ko pang uminom pero pinigilan ko na ang sarili ko. Napaparami na rin ang nainom ko at hindi makakabuti kung madagdagan pa. May pasok bukas kaya dapat nasa huwisyo ako.

Hinayaan ko lang na nakabukas ang sliding door para makapasok ang malakas na hangin. Hindi nakakatulong pero nakakagaan ng pakiramdam. Umupo ako sa ibabaw ng kama ko. Pinagdikit ko ang mga tuhod ko at niyakap ito. Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Wala akong makapang dahilan pero patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung paano babalik sa dati. Yung dating okay ako at wala masyadong problema. Kung dating hindi ko kailangang pekeen ang pagngiti at pagtawa ko. Naaawa ako sa sarili ko pero naiinis din ako dahil ang hina hina ko.

"Sino ka?" Malumanay na tanong ko ng hindi inaangat ang tingin ko. Kanina ko pa nararamdaman ang presensya nya pero wala akong maramdaman na takot o kahit simpleng kaba sa dibdib ko.

"Hindi kita nadalaw. Masyadong maraming nagbabantay sayo" malalim pa rin ang boses nito pero mas nagugustuhan ko ngayon ang paraan ng pananalita nya.

"Binabantayan mo pala ako kung ganun" saka ko lang sya nilingon.

Balot na balot pa rin ito at suot nya pa rin ang face mask nya. Mata lang nito ang nakalabas na hanggang ngayon ay hindi ko magawang pagmasdan dahil sa dilim. Lumapit ito ng konti at inilapag ang pulang rosas na dala nya.

"Oo"

"Bakit? Bakit ginagawa mo 'to?" Naguguluhang tanong ko. Clueless pa rin ako sa pagkatao nya at kahit konting impormasyon tungkol sa kanya ay wala ako.

"Kapag sinagot ko 'yan, madadagdagan pa ng maraming katanungan" naiintindihan ko ang sagot nya kahit hindi ko alam kung paano. Tumango nalang ako.

"Hanggang kailan mo gagawin ang pagbabantay sakin?"

"Hanggang kaya ko" nabalot ng katahimikan ang paligid. Bukod sa malakas na hangin, wala na ibang maririnig.

Nakatingin ako sa kanya at kahit hindi ko makita ang mga mata nya, alam kong nakatingin din sya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa taong ito, kung bakit hindi ako nakakaramdam ng panganib sa kanya.

"Anong itatawag ko sayo?" Bigla ko nalang naitanong. Kung pangalan nya ang itatanong ko, malakas ang pakiramdam ko na hindi nya sasagutin

"Kung anong gusto mong itawag sa akin" napatingin ako sa Rose na dala nya. Hindi naman pwedeng Rose dahil lalake sya at hindi rin pwedeng Red dahil may kilala na 'kong nagngangalang Red. Sa suot nya naman ako napatingin.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon