TPG XVIII

35.9K 991 116
                                    

"Sean!!" Sinubukan kong lumabas pero mabilis akong nahawakan ng mga pinsan ko.

Hindi pwede! Hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwedeng tumunganga lang ako.

Mas gugustuhin kong makuha ng mga armadong lalakeng yun kaysa mapahamak si Sean.

"Let me go! Please" parang gripong umagos ang mga luha ko.

Andun silang pito sa labas...tinataya ang mga buhay nila dahil lang sa akin.

Alam kong ako ang habol nila.

Nagpumiglas ako. Naitulak ko ng malakas ang mga pinsan ko kaya nakakuha ako ng pagkakataon na tumakas.

Inagaw ko ang baril ni Einstein at saka ako lumabas ng van. Nagtago ako sa gilid kung saan hindi nakaharap sa mga armadong taong gusto kaming gawan ng masama.

Agad kong nakita silang pito. Hiwa-hiwalay sila at laking pasasalamat ko ng makita ko silang walang tama o galos.

Kinasa ko ang baril na hawak ko. Pinag-aralan ko muna ang mga pwesto ng kalaban.

Hindi ko pa naranasang makipaglaban pero nasisiguro ko na hindi ako mapapahiya. Mula pagkabata ay tinuruan na ko ng mga lolo kong generals sa mga ganitong sitwasyon.

Kinakabahan ako pero kailangan kong maging matapang. Hindi ako mapapanatag kung uupo lang ako sa loob ng van.

Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako nakakuha ng lakas ng loob para lumabas sa pinagtataguan ko.

Una kong binaril yung lalake na hahampas sana kay Liam ng kahoy. Napatingin sakin si Liam at halatang hindi nya nagustuhan ang paglabas ko sa van.

Sunod kong binaril yung lalakeng kakadating lang.

Ganun din ang ginawa ko sa ibang kalaban hanggang sa mawala na ang kaba ko at makasanayan ko ang pakiramdam.

Tatakbo sana ako papalapit kay Chris pero biglang may humablot ng braso ko. Tumama ako sa dibdib nya at ilang putok ang narinig ko mula sa baril ng humila sakin.

"Damn Wife! What the hell are you doing here!" Parang mas nakakatakot ang boses nya kaysa sa mga putok ng baril.

Hindi ako nakaimik agad. Pano ba naman ako makakaimik kung nasubsob ako sa dibdib nya! Masakit kaya.

"Damn! Go back-"

"Subukan mo kong pabalikin! Ib-break talaga kita!" Sigaw ko.

Sya naman ang natahimik at parang naestatwa sa kinatatayuan nya. Hindi nya ata inakalang masasabi ko yun.

Nagkatinginan kami at nagsukatan ng tingin.

"Pucha dito pa talaga piniling maglambingan" lumapit sa amin si Sampson at Tres para protektahan kami habang kami ni Sean ay nanatiling nakatitig sa mata ng isa't-isa.

Lumaban ako ng titig at siniguro ko na makikita nyang hindi ako nagbibiro.

Hindi pwedeng sa lahat ng pagkakataon ay sya ang mananalo

"Fuck! Fine! Basta wag kang lalayo sakin" napangiti ako sa isip ko. Gotcha!

Nakarinig kami ng napakalakas na tunog na muntik ng dumaplis sa amin ni Sean. Dito lang kami natauhan at saka pumwesto ulit para makipaglaban.

Sa nakikita ko, sigurado na ko na ako nga ang habol nila. Ako ang pinupuntirya nilang lahat at gusto nila akong kunin ng buhay.

Siguradong gagamitin nila ako laban sa aking ama.

Bigla akong naubusan ng bala kaya kinabahan nanaman ako. Napansin yun ni Sean. Hinila nya ko at niyakap para iharang ang katawan nya sa katawan ko. Gusto kong pumalag pero wala na din akong nagawa.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon