TPG XXIII

29.7K 892 47
                                    

Nadagdagan ulit ang readers hihi. Pero wag naman kayong madamot sa vote at comments haha

******************************

"Sorry... sorry..."

Nanatili akong yakap yakap ni Sean kahit ramdam ko na hindi nya nagustuhan ang binalak kong gawin.

"Halika na"

"No! Andyan sila Sean. Andyan pa sila"

"Shhh. Wala na sila. Don't worry wife, I'm here"

Inalalayan nya kong tumayo. Hindi ko magawang tumingin sa kanila lalo na kay dad. Alam kong mali ang naisip ko.

Alam kong mali na patayin ang sarili kong buhay pero hindi ko mapapangako na hindi ko na gagawin yun sa susunod na mangyayare ang bagay na 'to.

Hindi ko namalayan na nakasakay na pala kami ng sasakyan habang nakaalalay pa rin sakin si Sean.

"Ano bang naisip mo at nagawa mo 'yun!? Bakit papatayin mo ang sarili mo?!"

Hindi ko namalayan na nandito din pala si Einstein. Hindi ko alam na nandito din ang mga tauhan ni Sean at tahimik lang silang nakatingin sakin lahat.

"Hindi mo naiintindihan" mahina kong sabi pero sapat lang para marinig nila.

Alam kong mali ang naisip kong gawin pero bakit kailangan nyang magalit ng ganun? Alam ko na nag-aalala sila pero hindi ba nya naisip na hindi pa rin ako okay?

"Talagang hindi kita naiintindihan!"

"Einstein! Wag mong sigawan ang anak ko"

"No tito! I'm just worried at kapatid na ang turing ko sa kanya"

"I know. Alam ko Einstein pero intindihin mo din sana ako"

"Damn George! Hindi kita naintindihan at hindi kita maiitindihan! Naisip mo ba kami? Kami na maiiwan mo kung sakali? Ganun ba kadali para sayo na iwan kami?"

Nangingilid ang luha ni Einstein. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit o matinding pag-aalala sakin. Gusto kong intindihin ang sinasabi nya, ang nararamdaman nya pero bakit parang kasalanan ko pa?

"Hindi... maniwala ka hindi ko gusto yun"

"Then what? Why did you try to kill yourself?! That was so stupid-"

"Stupid?! Sige! Tanga na kung tanga pero hindi ikaw-hindi ikaw ang nakaranas ng mga naranasan ko kanina! Hindi ikaw ang natutukan ng baril! Hindi ikaw ang pinagnasaan! Hindi ikaw ang kinaladkad papunta sa talahiban at binalak na...at binalak na babuyin" heto nanaman ang mga luha ko.

Nagbago ang expression ni Einstein at parang bigla syang natauhan. Nawala ang galit sa mga mata nya at sinubukan nya kong abutin pero umiwas ako.

"Hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi kayo. Alam kong mali...alam ko pero hindi nyo alam kung gaano ako natakot...takot na takot ako...takot na takot... hindi ko alam kung maliligtas ba ko o kung may dadating pa na magliligtas sakin... akala nyo ba ginusto ko na kitilin ang sarili kong buhay? Hindi! Kung may ibang paraan hindi! Bakit kung makapagsalita ka parang ginusto ko pa?"

"Hindi- hindi sa ganun, George. So-"

"Sorry ha? Sorry kung hindi ko mabuhay habang nararamdaman ko na binababoy na ko. Sorry ha? Sorry kung hindi ako kasing tapang at kasing lakas nyo"

Walang umimik kahit isa sa kanila. Wala na kong mabasa sa mga mata nila kundi awa at pagsisisi.

Tumingin nalang ako sa labas na parang normal na araw lang. Pero ang totoo... nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hanggang  ngayon, malinaw na malinaw pa rin sa imahe ng alaala ko ang mga nangyare kanina.

The Possessive GangsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora