TPG XIV

39.2K 1K 142
                                    


Sakay ng tricycle, sa manggahan at niyogan ang sunod naming pinuntahan.

Magkaiba ang mga tauhan dito sa mga tauhan sa farm.

Mas marami ang tauhan dito at halos lahat ay matatagal na.

"Ate George!" Nagtakbuhan sa akin ang mga bata ng makita nila ako. Lahat sila ay mga anak ng mga tauhan dito na napalapit sa akin.

Umupo ako para pantayan sila. Muntik na kong matumba ng yakapin nila akong lahat.

"Wow ate George, ang ganda ganda nyo pa rin po" sabi ng limang taon na si Gigi. Ito ang pinakamahiyain sa kanila pero sya din ang pinakamalambing.

"Talaga?"

"Opo. Kaya crush na crush kayo nina kuya Alvin at kuya Samuel eh"

"Gigi!" Cute na tinakpan ni Gigi ang bibig nya ng dumating sina Alvin at Samuel.

Mas matanda ako ng isang taon sa kanila. Sila ang kambal na kapatid ni Gigi.

"Ate, pasensya ka na kay Gigi ha" tumango lang ako at ginulo ang buhok ni Alvin.

Iniwas nya ang tingin nya at namula.

Alam ko naman na crush ako ng kambal na 'to pero ayos lang naman sakin, crush lang naman eh

"Ate namiss ka namin" yayakapin sana ako ni Alvin pero may humila sa damit ko.

Pinulupot ni Sean ang braso nya sa bewang ko at sa harap ng mga bata at ng kambal, hinalikan nya ang ulo ko.

Seloso talaga

"Si-sino po sya?"

"Si Sean, fiance ko. Staka yung mga nasa likod namin ay mga kaibigan namin"

"Fiance?" Nagkatinginan yung kambal at tumamlay ang mga muka.

"Mga hijo, halina kayo" nagpaalam na sakin sina Sean na mamimitas na daw sila ng mangga.

Humiwalay muna ako sa kanila at sumama kina Samuel at Alvin sa ibang bahagi ng manggahan.

"Ate George, tikman mo 'to" ipinagbalat ako ni Samuel ng mangga na hinog.

Kinuha ko naman agad at tinikman.

Ang tamis talaga ng mangga dito sa probinsya nina lola.

"Matamis pa rin diba?" Nakangiti akong tumango kay Samuel.

Binigyan naman ako ni Alvin ng manggang hilaw na binalatan nya. Binigyan nya rin ako ng platito na may alamang.

Umupo muna kaming tatlo sa malaking ugat ng mangga. Nagbabalat sina Alvin at Samuel ng mangga habang kain naman ako ng kain.

"Kamusta ang bago nyong school?"

"Ayos naman ate. Wala nga lang kasing ganda mo" pinisil ko ang pisngi ni Alvin. Ang cute talaga nito.

"Nag-iisa ako eh"

"Ate bakit may fiance ka kaagad? Ang bilis naman ata. Mahal mo ba yun" tinignan nya si Sean na namimitas ng mangga kaya napatingin na rin ako kay Sean.

Hindi ko magawang sagutin ang tanong ni Samuel. Kung sila nga nabibilisan sa mga pangyayare ako pa kaya?

Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag nandyan si Sean. Kuntento ako at pakiramdam ko lagi akong ligtas.

"Bakit hindi ka makasagot ate? Sabi pa naman ni nanay hintayin naming tumuntong ka sa tamang edad saka kami magpaalam sa mga lola mo na liligawan ka namin" nabilaukan ako sa sinabi ni Alvin.

Alam ko naman noon pa na may crush sakin ang kambal. Hindi ko lang inaasahan na aabot sa puntong liligawan nila ako.

"Hindi na pwede. May Sean na eh. Mag-aral nalang muna kayo ng mabuti" inilapag ko ang platito at umalis.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now