TPG XXX

29.4K 670 93
                                    

Dedicated to @lololol_lels

Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE this story to your friends

*************************


Namdaman ako na medyo mainit na dumadampi sa pisngi ko.

Hindi naman sya masakit sa balat pero hindi ako komportable kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at dun ko nalaman na sikat pala ng araw ang humahaplos sa pisngi ko.

Dahan dahan at maingat akong humarap kay Sean na nakayakap sakin. Nakapikit pa rin sya at mahimbing na natutulog.

Bigla nalang akong napangiti. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan sya ng ganitong kalapit.

Mas inilapit ko pa ang muka ko. Maingat kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang muka nya.

'Aware ka ba kung gaano ka kagwapo?'

Napangiti nanaman ako sa iniisip ko. Maingat kong tinggal ang braso nya mula sa pagkakayakap sakin at saka ako tumayo.

Pumasok ako sa bathroom at naligo. Para akong sira na kumakanta pa habang dinadama ko ang tubig mula sa shower.

Masaya ako...sobrang saya ko sa mga nangyayare at kulang ang salitang kuntento sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung paano ako nagiging masaya ng ganito sa kabila ng mga kapahamakan na nangyare sa amin, sa akin. Hindi ko na maalala ang takot at trauma na naramdaman ko ng mga oras na yun.

Ang masasabi ko lang ay masaya talaga ako.

Isinandal ko ang likod ko sa pader. Nakapikit ako habang nakangiti na parang isang baliw.

Biglang pumasok sa alaala ko ang unang beses na nakita ko si Sean...

Nakamaskara sya pero ang lakas pa rin ng dating nya.

Bigla ko ding naalala ang panahon na itatakas sana ako ni Eintein.

Paano nga kaya kung naitakas nya ko? Mararamdaman ko pa kaya ang sayang nararamdaman ko ngayon?

Malamang. Sigurado namang hahanapin nya ko.

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Yumayabang na ata ang utak ko eh. Ikaw ba naman ang mahalin ng isang Sean Barry Gates? Ewan ko lang kung matandaan mo pa ang salitang humble.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at pinatuyo ang buhok ko. Nakangiti akong lumabas ng bathroom pero nawala ang ngiting 'yun ng makita ko ang kama na wala ng tao.

"Shit! Where is she?!" Sinundan ko ang boses ni Sean at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sya sa veranda.

"Sean?" Nilingon nya ko at mabilis na lumapit sakin. Niyakap nya ko ng mahigpit pero hindi ako umangal.

"I was so worried. Saan ka ba galing?" Mahinahon nyang tanong.

Nagtataka naman ako. Hinanap nya pala ako, bakit hindi nya chineck ang bathroom?

"Naligo?"

Bumuntong hininga sya at ilang beses na hinilot ang sentido nya. Napatingin naman ako sa kamay nya at dun ko napansin na hawak nya pala ang baril na tinago nya sa ilalim ng unan nya kagabi.

"Stupid. Bakit hindi ko tinignan yun?!" Bulong nya sa sarili nya pero sapat lang ang lakas para marinig ko.

"Sorry. Hindi na kita ginising"

"No no, it's okay" hinila nya ko papasok sa kwarto.

Itinago nya na ulit ang baril nya at ilang ulit bumuntong hininga.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now