TPG XXIX

28.3K 680 26
                                    

"OMG! George hija, you're so gorgeous"

Ayoko pa sanang putulin ang titigan namin ni Sean pero napilitan na rin ako para tignan si tita Ysabelle na ang laki ng ngiti.

"T-thank you po tita"

"Sabi na nga ba eh! Tama ako! Ikaw ang perfect model para sa bago kong collection"

Ngumiti lang ako. Hindi ko maintindihan kung may nararamdaman akong panghihinayang.

Peke lang ang mga ito...

Part lang 'to ng photoshoot...

"Nung sinabi ko kay Sean na wedding gowns ang isusuot mo, pumayag agad sya pero syempre humingi sya ng favor na sya daw dapat ang groom. Isn't sweet?"

Ngumiti nalang ulit ako dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Palihim akong tumitingin kay Sean kahit kay tita Ysabelle ako nakaharap.

"Oh sya, heto na ang bulaklak. So maglalakad ka ng parang bride ha? Nasabihan ko na si Sean ng mga gagawin at sya na ag bahala kapag nakarating ka dun. Basta ifeel mo lang"

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng muli akong humarap sa kinatatayuan ni Sean.

Hindi sya bumitiw sa pagtitig sakin at nanatili syang nakangiti.

Narinig ko na ang hudyat para magsimula na kong maglakad. Dahan-dahan akong naglakad tulad ng mga nakikita kong bride.

Ang bilis ng tibok ng puso ko...

Aware naman ako na para lang 'to sa magazine. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang maglakad. Ang alam ko naman kasi sa mga photoshoot ay tatayo ka lang tapos pipicturan ka.

Parang dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko... ilang hakbang nalang... malapit na ko....

Hindi ko alam kung bakit parang nag slow motion lahat. Kung bakit parang bumalik sa alaala ko ang memories namin na magkasama.

Hanggang sa magkaharap kami....

Humarap sya sakin at ganun din ako sa kanya. Hinihintay kong sabihin nya sakin ang mga dapat gawin dahil sya ang nakakaalam ng gagawin dito.

"You look so gorgeous" ngumiti ako sa kanya.

Ang gwapo talaga eh...

Napasinghap ako ng bigla nya kong hapitin sa bewang at ilapit ang muka nya sa muka ko.

"H-hey" nauutal na ko.

Naghahalo ang mga emosyon na nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero naeexcite ako ng sobra. Naiilang ako dahil maraming tao sa paligid pero kinikilig ako kahit hindi halata.

"If I just can marry you right now" mahina nyang sabi pero rinig na rinig ko.

Nagkatitigan kami at nagkangitian. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng braso nya sa bewang ko at medyo napa-bend ako.

Mas lalo nyang inilapit ang muka nya sa muka ko. Hindi ko namalayan na napapikit na ako.

Hanggang sa maramdaman ko ang mga labi nya sa labi ko...

Ilang segundong nanatiling magkadikit ang mga labi namin pero hindi gumagalaw hanggang sa namalayan ko nalang na kumikilos na ito sa kusa naman akong sumasabay sa kilos ng labi nya.

Ilang beses nya na 'kong nahalikan pero ito ang unang beses na kumilos ang mga labi namin. Ito ang unang beses na magtagal ng ganito ang 'halikan' namin.

Aware ako na maraming tao...aware ako na hindi 'to kasama sa inutos ni tita Ysabelle pero biglang nawala ang pakialam ko sa mga tao sa paligid ko.

Naghiwalay na ang mga labi namin at napangiti kami sa isa't-isa.

The Possessive GangsterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang