• 9 •

15.5K 473 41
                                    

Andie's POV

Magdamag akong hindi pinatulog ni Tim.  Kahit anong gawin ko, grabe.  Hindi mawala ang alaala ng ginawa namin.  Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon.  Sa harap ng bahay namin.  Kung patay man ang daddy ko, baka bumangon iyon sa hukay dahil sa ginawa ko. 

Maaga na lang din akong bumangon para maaga akong makapasok sa trabaho.  I don't think makakaharap pa ako kay Tim after ng nangyari.  I can't go on the date na sinasabi niya.  Nakakahiya ang mga pinaggagawa ko.  Pero naman kasi.  Parang kahit na sinong babae naman talagang bibigay kay Tim.

"Andie!  Come down here.  Join us for breakfast." Narinig kong sabi ni mommy.

Us?  Sino naman kaya ang bisita ni mommy?  Malamang mga kasamahan niyang nagbebenta ng insurance din.

Nagbihis na ako ng uniform ko at dire - diretsong bumaba at pumunta sa dining.

"'Ma, I might be a little late later -" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ko si Tim na nakaupo sa harap ng hapag.  Nakatingin lang din siya sa akin at alanganin kung ngingiti o ano.

"Pinasabay ko na si Tim na dito mag - agahan.  Nakita ko kasi palabas at bibili daw siya ng makakain.  Kawawa naman.  Tinulungan naman niya akong magluto.  Halika na.  Kumain na tayo," sabi ni mommy at inilapag ang kanin sa mesa.

Hindi ko alam kung makakahakbang pa ako.  Hindi ko yata kayang humarap sa kanya.

"Upo ka na," sabi ni Tim sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama at wala naman akong magagawa kundi sundin ang sinabi niya.  Magtatanong si mommy. 

"So, Tim.  How do you like your place?" Nakangiting tanong ni mommy at umupo na rin sa harap ng hapag.  Iniabot ang plato ng kanin sa akin tapos ay si Tim naman ang nag - abot sa akin ng plato ng ulam.  Tiningnan ko siya ng makahulugan at lumaban din siya ng tingin.  Ako ang talo sa sitwasyon na ito.  Magtataka si mommy kung pakikitaan ko ng kagaspangan si Tim kaya painis kong kinuha ang plato na inaabot niya.

"My place is good Mrs. Dimalanta.  I think I might stay longer than two months," magalang na sagot ni Tim.

"Oh, iho.  Please stop calling me Mrs. Dimalanta.  You can call me tita.  Or you can call me mommy Alice too.  Mukhang hindi naman kayo nagkakalayo ng edad ni Andie." sagot ni mommy.

"I think mommy Alice is nice to hear." Sabi niya.

"Excuse me.  He is older than me and I think Tita Alice would be fine.  Huwag masyadong palagay," hindi ko napigil na sabihin iyon.

Kita kong lihim na natawa si Tim at nagpatuloy lang sa pagkain.  Parang hindi naman napansin ni mommy ang sinabi ko.

"Andie, bumili ka naman ng panghuli ng mga bubuwit.  Kaya yata nagkalat ang mga pusa diyan sa labas natin dahil may mga nakikitang bubuwit, eh." Bumaling si mommy kay Tim.  "Kagabi maryosep, aba'y nagising ako sa parang mga naglalampungang pusa sa labas ng bahay.  Kapag ganyan ng ganyan, dadami ang kuting dito."

Biglang nasamid si Tim at napaubo ng sunod - sunod.

"Iho, ayos ka lang?  Ito ang tubig," sabi ni mommy sabay abot ng tubig.  Nanatili lang akong nakayuko dahil hindi ko kayang tumingin kay mommy.  Ramdam kong nag - iinit ang mga pisngi ko.

"Okay lang ako tita.  Talaga hong may mga pusang naglalampungan?  Maingay ho ba?" Sagot ni Tim.  This time ay napapangiti na siya.

Ay pesteng lalaki!  Maingay ba ako kagabi?  Punyeta siya!  Siya kaya ang may kagagawan 'nun!

"Medyo.  Ungol ang narinig ko, eh.  Basta Andie, huwag mong kakalimutan ang panghuli ng bubuwit," ulit ni mommy.

"Ako na ho ang bahala," sagot ko at tumayo na.  Hindi ko na kayang tumagal dito.  Mabuti na lang at tumunog ang telepono ko.  "Sige na 'ma.  Mauna na ako.  Tumatawag na sa office."  Tinalikuran ko na sila.  Hindi ko na pinansin na nakatingin sa akin si Tim.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon