• 4 •

19.5K 550 26
                                    


Andie's POV

"Kakarating ko lang, aalis ka na agad?"

Napatingin ako sa nagsalita noon and I felt my heart skipped a beat when I saw him again.

"Tim." Mahinang nasabi ko.

Ang ganda - ganda ng ngiti niya at hindi ko mapigil ang sarili ko na hindi titigan ang mukha niya.

Shit.  Ano ba 'to?  Bakit ako natataranta?  Oo nga at umaasa akong makita ko siya ulit pero hindi ko akalaing makikita ko na agad siya ngayong gabi.  Hindi ako ganito.  Hindi ako madaling maapektuhan ng mga lalaki.  Ang dami - daming nanliligaw sa akin sa bangko.  Executives, clients, pati nga messengers pero lahat sila hindi ko pinapansin.  Si Tim lang ang nagpataranta ng ganito sa akin.

"Aalis ka na nga?" Tanong niya at tumabi sa akin.

Oh my god.  Ang bango - bango niya.  Hindi amoy sigarilyo.  Parang nahiya pa nga ako kasi ako ang amoy usok.  Napilitan tuloy akong sumenyas kay Bobby na ibigay ang keep bottle ko.

"O mam?  Akala ko ba pineapple juice ka lang ngayong gabi?" Nakangiting sabi niya at inilapag sa harap ko ang bote ng Añejo 1800.

Pinanlakihan ko ng mata si Bobby at palihim akong tumingin kay Tim.  Nakangiti lang siya sa akin at nakatingin tapos ay umorder siya ng beer sa bartender.

"You're not going to drink your favorite Hennessy?" Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at nanatiling nakatingin sa akin tapos ay ngumiti.  Nakakainis!  Ang ganda ng ngipin!  Pantay - pantay na mapuputi.  Bakit ba ang ganda niyang ngumiti?  Parang nang - aakit.

"You know my favorite drink?" Inabot niya ang ibinigay na beer ni Bobby at dire - diretsong ininom iyon.  Wala sa loob na napalunok ako habang tinitingnan siyang lumalagok ng beer.  Parang sa tv commercial lang.  'Yung parang slow motion.  The way his lips touched the tip of the bottle, his prominent adam's apple sexily moving up and down.  Napabuga ako ng hangin at nagsalin sa shot glass ng tequila ko at dire - diretso iyong ininom.  Hindi ko maintindihan ang init ang gumagapang sa katawan ko.

"You're still celebrating the disappearance of your dad?" Tanong niya sa akin.

"Ha?  No." Sunod - sunod ang iling ko.

"So why are you drinking tonight?"  Tanong niya.  Humarap pa siya ng maige sa akin.

"Wala lang.  To kill time?" Juskolord.  Crush ko na yata ang lalaking 'to.  Bakit ba kasi ang bango - bango niya at ang guwapo pa?  Even his voice, sobrang lalaking - lalaki ang timbre.  Walang yatang pangit sa kanya.  Ang mga kuko, ang linis,  ang balat ang kinis din.  Ang ganda niya magdala ng damit kahit na simpleng polo at maong lang ang suot niya. 

Natawa siya at muling uminom sa hawak na beer.  Hay.  Parang gusto ko na lang siyang titigan sa ginagawa niya.

"So?  Hindi ka naman masyadong lasing na tulad kagabi?" Nakangiting tanong niya.

"Hindi ako lasing kagabi." Sabi ko.

"Talaga?  Pero naaalala mo pa ba na hinatid kita hanggang sa makasakay ka ng taxi pagkatapos mong sumuka sa gilid ng bar na 'to?"

Taka akong napatingin sa kanya.  "Ako ang mag - isang umuwi kagabi.  Si Bobby ang naghatid sa akin sa taxi at kakilala ko ang driver na iyon."

Natatawa siyang napapailing.  "You're too drunk last night.  Ayan, may mga lapses na sa memory mo.  Ako ang naghatid sa iyo sa taxi.  I made sure na kilala ka ng taxi na sinakyan mo as per Bobby's advice." Kinuha niya ang bote ng 1800 at tinakpan iyon.  "So you better stop drinking this at baka kung saan ka na mapadpad ngayon."  Tinawag niya si Bobby at ibinigay dito ang bote.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableOnde histórias criam vida. Descubra agora