• 27 •

14.2K 427 21
                                    

Andie's POV

Mabilis akong bumaba ng kotse ng huminto sa parking ng ospital ang kotseng sinasakyan namin. Sobrang tensiyonado na ako sa biyahe at gusto ko ng makalayo kay Tim. Hindi ko talaga kayang malapit sa kanya. He is making me really uncomfortable. Marinig ko lang ang paghinga niya, maamoy ko lang ang pabango niya talagang ibang klaseng pakiramdam na ang lumulukob sa akin and I hate this feeling.

Naipagpapasalamat ko na rin na hindi na rin naman siya nag i - initiate ng conversation. At least he is sensitive enough to feel how much I hate him. That I am just doing this for Marco's sake. Napakalaki ng utang na loob ko kay Marco dahil sinalo niya ako sa isang napakalaking kahihiyan na kagagawan ng kapatid niya. Damn. Ano bang gulo itong napasukan ko? Bakit naman kasi magkapatid pa sila?

I inhaled and exhaled habang pasakay ako sa elavator. Pipindutin ko na lang ang close button ng may pumigil ng pinto at nakita kong si Tim iyon.

"Kaya ko ng pumunta mag - isa sa clinic. You can wait in the car or yet you can go home. I can go home by myself," iritable kong sagot sa kanya.

"Sebi wants me to bring you home. Sinusunod ko lang ang request ng kapatid ko," tanging sagot niya at dumistansiya na siya sa akin.

Natawa ako ng nakakaloko. Talaga lang ha? Siya pa talaga ang lumalayo sa akin? As if naman na gusto ko siyang katabi o kasama. Ang kapal lang talaga ng mukha!

Inirapan ko lang siya at ng huminto sa eight floor ang elevator at bumukas ang pinto ay nagmamadali akong lumabas. Bahala siya sa buhay niya. Bakit ko nga ba siya iintidihin?

Agad akong sinalubong ng assistant ni Dr. Manotoc na si Girlie. May ina - assist lang na naunang pasyente ang OB kaya naghintay na lang ako sa lounge. Ako na rin naman ang susunod. Buti na lang hindi na pumasok pa dito sa loob ang impaktong si Tim.

I closed my eyes and felt the slow but tiny movements inside my tummy. I can feel life inside of me. Automatic kong hinawakan ang tiyan ko at hinimas iyon. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umiyak. Naalala ko kasi ng sabihin ni Tim na sorry. Kahit galit ako sa kanya I can feel his sincerity. Ramdam kong talagang nagsisisi siya sa ginawa niya sa akin. Pero para saan? Isn't too late? Ano pa ang pagsisisihan niya? He chose to leave me. Pinagparausan lang ako at akong si tanga hindi nagdalawang isip na ibigay ang lahat sa kanya. Bakit? Kasi mahal ko siya.

Oh god. Don't do this please. I don't love him anymore. I hate him. And I am married. I am married to his own brother. Kasal ako sa taong sinalo ako dahil binitiwan ako ng isang taong may ibang priority sa buhay at hindi ako iyon.

Shit. Why am I thinking like this? Dapat nga talagang kalimutan ko na kung ano ang nangyari sa amin ni Tim. Pero kahit kailan malabo ko naman siyang makalimutan kasi dugo at laman niya ang nasa tiyan ko.

Sabi naman ni Marco, Tim will just stay for a couple of days. So ilang araw lang 'yon. Madalas naman akong nasa office so malabo na din kaming magkita. Itong pagkakataon na ganito siguro sinusubok lang ako kung talagang kaya ko ng harapin si Tim and kaya ko naman. Kinakaya ko naman.

"Mrs. Gonzalez, pasok na po. Tawag na kayo ni Dra." Nakangiting sabi sa akin ni Girlie.

I let out a sigh and stood up. Everything will be over soon.

Nakangiti sa akin si Dr. Manotoc ng pumasok ako sa clinic niya. Tumayo siya at humalik sa pisngi ko.

"Sit down, iha. Mukhang hiyang ka sa pagbubuntis, ah. Hindi ka naman nagbabago. Parang busog ka lang considering that you are seven months pregnant," nakangiting sabi niya.

"I know I gained weight," sagot ko habang hinimas ko pa ang tiyan ko.

"Well ganyan na talaga 'yan hanggang sa nine months. Do you feel anything unusual? Bleedings? Discharges?"

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now